Wednesday, December 29, 2010

Company of Good Friends






I am very thankful and lucky for meeting 

and having my good friends.

Sila yung tipo na kahit anung secrets ang sabihin mo e 

di ka matatakot na baka malaman ng iba, kaya nga secret.

Nakakapag usap kami ng tungkol sa kung anu anong mga kababawan 

hanggang sa mga sensitibong bagay.

Mula family, trabaho, financial, parang name it at napag usapan na namin yan.

Pero lahat ng napag usapan namin sa min lang talaga.

Madami ng dumaan na bagyo at unos pero nandito pa rin kami sa isa't isa.

Sila yung kasama mo na di ka maiinip kahit ang tagal tagal na ng kwentuhan nyo.

Oh di ba ang swerte swerte ko for having Charms, Joy and Mae.









Chellee

Saturday, December 25, 2010

It's CHRISTmas Day!

Happy Birthday Bro!  Yan ang sinabi namin ng pamangkin ko bago pagsaluhan ang aking hinandang spaghetti at carbonara!  Level up na ko ngayun kasi ako na ang nagluto. hehehe!


Nagsimula ang araw na to sa isang misa na in-attend-an namin sa St. Claire of Assisi.  Dahil sa mongha ang mga naandito dito masarap umattend ng mass. Talagang mararamdaman mo na nasa misa ka.  Yun nga lang konting sakrispisyo dahil ala sais ng umaga ang start ng mass na to.


Pag uwi sa bahay nakapag breakfast lang kami ng sandali at eto na ang mga batang namamasko!  Nakakatuwa naman, dati kami ang maagang gumigising para mamasko tapos sa gabi pupunta pa kami sa mga lola ko pero ngayun isa na ako sa mga nagbibigay ng papasko.  Ang sarap naman kaya ng feeling na ngumingiti ang mga bata matapos silang abutin ng regalo!


Pero di tulad ng nakasanayan namin, lunch time pa lang wala ng namamasko, dati kasi hanggang hapon e may pumupunta pa rin sa bahay.


Kaya ayun, namasyal na lang kami.  As usual nasayahan na naman ang dalawang makulit kong pamangkin habang nagpapakain ng mga isda sa Nuvali.  Sa Paseo kami nag dinner at sinundan ng kape.  Ngayung gabi nakuha ko din ang aking planner! Yipee! Sana lang e masulatan ko! at isa pang yipee!





Chellee

Friday, December 24, 2010

Countdown

Ang countdown na di ko na naipagpatuloy hehehe.  Sino nga ba ang dapat sisihin?  E sino pa nga ba, e di wala ng iba kung di ako!  Kainis kz ang daming dapat tapusin kaya ayun di ko na naisingit ang pagsusulat.  Sayang naman kung di ko masundan... Kaya eto kahit huli na gusto ko pa ring tapusin ang nahintong countdown.


December 19, 2010 - 6 Days Before Christmas


Sunday.  Closing duty ako sa work, 4pm ang time ko na nag start sa isang meeting.  Smooth naman ang duty na to walang masyadong concerned.  Yun nga lang mejo di ako ok kz kz meron akong inaasahan na di natuloy.  Ayan na naman kasi ako expect ng expect kaya hurt kung hurt ang drama ng princess!  Oo na, alam ko na yan, ilang tao na nagsabi sa kin na wag masyadong mag expect kaso ang hirap tandaan e lagi kong nakakalimutan!  Kaya ang laging ending, "i-told-you-so" na linya ang lagi kong naririnig.  Pasado ala una na ng masecure ng mga security guard na wala ng tao sa theme park na pinag tatrabahuhan ko.  Ibig sabihin, bago mag ikalawa ng umaga na ko nakauwi ng bahay. =)



December 20, 2010 - 5 Days Before Christmas


Monday.  Kahit puyat di ako nalate sa 8:30 ko na pasok  sipag no?!  xempre naman ikaw na ang may vitamin   hehe!  Mejo ngarag ang beauty ng araw na to.  Bigayan ng christmas basket xempre kasama ako sa behind the scene na to.  Nasiyahan naman ang karamihan sa kanilang natanggap.  Masaya ang araw kahit di sapat ang vitamin.



December 21, 2010 - 4 Days Before Christmas


Tuesday.  Duty na naman ako, buti naman this time e pang umaga na.  Ngayung araw na to nag simula ang aking holiday blues.  Kung anu anu ang sinabi at tinanong ko sa yo na sa bandang huli sarili ko lang ang sinaktan ko.  Ng gumabi, napangiti mo ako.  Salamat.  Tinext ako ng familia nasa SM daw sila kaya ayun go na rin ako pagka out ko sa office.



December 22, 2010 - 3 Days Before Christmas


Wednesday.  Holiday blues na naman ang umatake buti na lang hindi mo pinapatulan ang toyo ko.  Bilog na ba ang buwan?  Nakakainis ang traffic, ang 30 minutes na travel time ko ay lumalampas pa ng isang oras! Nakakainip magbyahe tapos di pa masyadong ok ang makakatabi mo sa isang pampasaherong jeep.  Buti na lang, buti na lang...



December 23, 2010 - 2 Days Before Christmas


Thursday.  Maghapon akong naghintay, holiday blues day 3 na ito!  Nakakainis.  Pero isang tawag mo lang ok na ko.  Grabe ang traffic, nakakapagod, ang tagal ko bago nakasakay ng jeep.  Ang daming kids sa bahay ng dumating ako bumibisita ang pinsan ko.  Natawa ako ke mader, wala na daw lamang pang ulam ang ref namin ayun tuloy ang napakain sa kanila e isang pirasong pritong talapia, hotdog at ginisang sardinas!  Buti na lang enjoy ang mga bata sa hotdog.  Midnight sale sa SM.  Nagkita kita kaming tatlo.  Swerte may nabili akong blouse sa shapes, P399 lang!



December 24, 2010 - A Day Before Christmas


Friday.  Day off.  Maghapon ant magdamag na skype para sa kapatid kong nasa malayo sa kaniyang dalawang makulit na anak.  Nagluluto sya ng para sa pang small party nila ako naman e nagluluto.  Infairness, ako ang nagprepare ng food namin ngayon kasi yung kapatid kong nasa malayo e sya dati ang cook.  Infairness uli, masarap ang food na prepare ko!  Na may kasamang pagbubuhat ng bangko! hehehe!  Nagsalo salo ng 12 midnight pagkatapos ay natulog na maaga pa kasi ang mass na a-attend-nan namin mamaya sa St. Claire of  Assisi.




Chellee

Tuesday, December 21, 2010

Something



isang ordinaryong chocolate na nagpaiba sa mood ko kanina.  salamat.






Chellee


Monday, December 20, 2010

Countdown = 7 Days Before Christmas

December 18, 2010


Second day ng aking day off.  Dito pa rin sa house kasama ang dalawang makulits.  Makulimlim ang panahon, malamig, parang ako din, kasi nami-miss kita kainis sobrang cheesy na to!


Dapat ipapasyal namin ang dalawang makulit sa nuvali gusto kasi nila mag pakain uli ng mga isda kaso mo naman kung kailan paalis na kami e biglang bumuhos ang ulan.  Nag antay sandali baka sakaling tumila pero eto yung ulan na habang hinihintay mo e ayaw naman nyang tumigil.  Kaya ayun, ang dapat na nuvali nauwi sa paseo.  Buti na lang merong mini playground dun, nasayahan na ang dalawang makulit sa pag slide.  Ikot kami ng konti baka sakaling may magustuhang damit, bokya!


Nagutom ang lahat, pinag fiestahan ang 30 inches na pizza.  Yummy!


Tila na ang ulan, ang mag anak na gala sugod sa nuvali.  Meron pang bazaar dun kaya nakapag window shopping na rin.  Nakita din ni Jedd at Yu ang fish, sabi nga ni Jedd "gising pa si otep?"

Nakauwi kami ng house ng past eleven na.  Bagsak ang dalawang makulit ang himbing ng tulog!






Chellee


Saturday, December 18, 2010

Countdown = 8 Days Before Christmas

December 17, 2010


Friday, day off ako ngayon.  Dahil late na akong natulog kanina may reason akong late na ding bumangon! =) Pag ganitong day off syempre kasama ko maghapon ang aking dalawang cutee na pamangkin.  Sobrang kulit ng dalawang ito at talagang mapapaos ako kasisigaw pero lahat ng inis e nawawalang bigla pag niyakap na ako ni Jedd ng mahigpit at hinalikan kasama ang lahat na ata ng laway ni Yu.


Sinamantala naman ni mader ang pagkakataon dahil sinama nya si ate yaya at nag grocery ang dalawa.  Mahaba ang tulog ng dalawang makulit kaya ok lang na naiwan kaming tatlo actually saktong gising ng dalawa e syang dating din nila mader dear.


Matagal din tayong nag usap sa telepono kaya nga maganda ang mga ngiti sa labi ko kesehodang mangulit ng mangulit si Jedd at si Yu... e ano ngayon? e solve na ko, naka take na ko ng vitamin ko! hehehe  Nakailang take pa nga ako e este usap pala tayo kaya naman lalalalala ang beauty ko!


Ordinary day off, walang gimik, nag stay lang sa bahay maghapon.  Eto yung mga panahon na nakakatamad maligo kasi malamig ang panahon! at kailangang paglabanan ko pa ang katamaran ko upang masayaran ng tubig ang aking katawan hanggang sa... tumunog uli ang aking telepono at muling narinig ang iyong tinig.  Nag iwan ng ngiti sa aking mga labi at bigla ko na lang nasambit... kaya ko nang maligo!






Chellee

Friday, December 17, 2010

Countdown = 9 Days Before Christmas

December 16, 2010


Maagang nagsimula ang araw ko.  9am ang funeral mass para sa Inay ni Ella.  Sakto lang ng dumating ako sa simbahan matapos ang mahabang dalawang oras ng malamig kong byahe.  Nakakalungkot lang na wala na si Inay.  Di ko makakalimutan ang mga kwentuhan namin pag doon ako nag i-sleep over.  At pagkagising namin naipagluto na kami ni Inay ng almusal.  Kung mamimiss ko si Inay pano pa si Ella?  Ramdam ko yun nung niyakap ko sya, pangalan ko lang ang sinabi nya pero alam ko marami syang ibig sabihin sa kin.  Natameme kaya ako, parang may bara ang lalamunan ko kaya isang mahigpit na yakap lang ang naiganti ko ke Ella.


Pumasok ako ng half day sa office.  As usual daming work.  Walang masyadong encounter sa ibang tao kasi akala nila e maghapon akong wala. 


Nakareceive ako ng call mula sa yo, hays ang babaw ko talaga, napasaya mo na naman ako.  Narinig ko lang boses mo gumaan ang pakiramdam ko.  Mejo me konting kwentuhan pa.  *kilig* 


May christmas party na dapat attendnan ngayung gabi.  Naimbyerna lang ang beauty ko dahil isang oras at kalahati akong nag hintay sa driver ni Joy na susundo sa amin ni Charms.  Buti na lang sa office ako susunduin at least di masyadong nakaka irita.  Di na kami natuloy sa hotel.


Super traffic pa rin at di na advisable na tumuloy pa kami sa hotel.  Diretso kami sa Tagaytay.  Naghanap ng restaurant sobrang gutom na kaming tatlo.  Dalawang restaurant ang napuntahan namin pero parehong about to close na sila.  Oh di ba ang saya? Gutom na gutom ka na pero wala pa ring lugar na pedeng kainan!  Sa Leslie's na lang kami nag dinner, walang masyadong tao. 


Time check: ilang minuto bago mag 10 ng gabi... Sinugba platter, yang chow rice, pork sisig at manggang hilaw na may bagoong ang napili naming magpasaya sa aming malamig na gabi.  Kabiguan ang inabot ko/namin...  Di masarap ang food!  Waaaah!  Sige na, hayaan na nga, lamang tyan din naman! =)


Konting kwentuhan.  Nagkayakagan na mag kape.  Punta sa sbucks.  Alis din agad.  Ang daming tao grabe!  Byahe na uli, sa Paseo na lang kami magkakape.  Naidlip na ko sa byahe ang lamig kasi ang sarap sana ng may kayakap!


Hays salamat may available pa na couch, sarap sarap ng pwesto.  Exchange gift na.  Para di namin mahulaan kung sino ang bibigyan namin merong kaming code.  Genius si google kasi scientific name ng puno ang napili naming code, o di ba sige nga kung mahulaan mo kung sino ang bibigyan mo ng gift.  Di ko naman pinahirapan ang nakabunot sa kin... Pterocarpus Vidalianus Rolfe yan lang naman ang code ko! Hehehe!


Tatlo lang kami pero ang lakas ng tawanan at kwentuhan namin kung papano at bakit yun ang napili naming code name...


Time check:  2am, oh nasa pinto na ko ng bahay namin nyan, as usual hinatid uli ako ni Joy.  Di pa nagtatapos ang araw ko umaga na nga uli eh may text kasi ang kapatid ko at nakikipag chat pa sa kin, important naman kasi ang pag uusapan...


Time check:  5:30am, pano? sleep muna ko ha, twenty fours na kasi akong gising...






Chellee


Countdown = 10 Days Before Christmas

December 15, 2010


Walang masyadong nangyari sa umaga ko.  Walang txt.  Walang call.  Busy ka daw.


After lunch, nag meeting ang buong department.  Di ko ma explain ang feelings ko ng meeting na yon.  Ang daming new ideas.  Ok lang naman sana...  sana lang napag isipang mabuti... sana lang walang masasagasaan walang masasaktan, ewan ko din uulitin ko, sana napag isipang mabuti...  Hindi ko nagustuhan ang lasa ng california maki, affected pa rin siguro ako ng napag usapan.


Wala pa ring txt.  Wala pa ring call.  Pauwi na ko wala pa rin.  Sad na.  Ilang beses ko ding ti-nry na tumawag pero di kita makontact.


Di pa rin ako natuloy kila Ella.  Sobrang traffic sumakit lang ang ulo ko.


Ang ending, sa sobrang sakit ng ulo isang saging lang ang kinain ko para sa dinner sinundan ng isang basong tubig at itinulog ang matinding sakit na nararamdaman...






Chellee


Wednesday, December 15, 2010

Countdown = 11 Days before Christmas

December 14, 2010


Madami na ang tao sa opisina, maingay na.  Busy ang karamihan lalo na sa division namin mamaya na kasi ang Christmas party.  Na forward ko na yung report ke boss.  As of the moment wala pa namang comment/s, di pa ata nakikita e hehehe.  Lunch time na, walang txt or tawag mula sa yo... Bakit ko ba iniintay, ayan nag e-expect na naman ako... 


1:00, kinabog na naman ang puso ko, narinig ko kasi boses mo sa kabilang linya.  Sabi mo busy ka sa isang project at ngayun lang nagkaroon ng free time para tumawag pero wala pang ilang minuto bigla ka ding nag paalam kasi ikaw na ang kakausapin ng bosing mo, pero sinabi mo naman na tatawag ka uli bago ako umuwi... sana.  sadness me.


5:30, papunta na kami sa party place wala pa ring tawag, nalungkot naman ako.  Kaya ayun, di mapigilang kamutin ang nangangating kamay... ako na nga po ang tumawag wala na kasing sasagot sa fone ko pagtumawag sya mamaya.  Unang call, ring na mahaba, deadma, hindi sinagot.  Pangalawang call, hindi na nag ring, out of coverage area inoff ang cellphone?.  Makulit talaga ako.  Pangatlong call, hay salamat at sinagot na ako.  Secret yung usapan. *Ngiti*


Party na.  Unlike our previous christmas party ngayun lang kami lumabas sa opisina.  Ok naman.  Di lang ako nag enjoy sa mga food.  Mejo ordinary kasi ang mga food sa mejo kilala namang restaurant pero isa ito sa hindi ko gustong restaurant, sorry sa organizer ng party.  Nag enjoy naman ako sa parlor games mejo napaos pa nga e.  Winner ako sa isang game, newspaper dance! hehehe! Parang minaster ko ata to e.  As far as I can remember, ito ang isang parlor game na alam kong pagsumali ako for sure mananalo kami ng partner ko.  Ewan ko ba kung bakit.


Another party na hindi na naman ako nabunot sa raffle!  Inaalat ata ako ah.  Kailangan ko muna sigurong maligo sa isang banal na batis para mawala ang sumpa at ng manalo naman kahit minor prize man lang! 


All in all masaya naman ang lahat. =)






Chellee

Tuesday, December 14, 2010

Simple Lang

Sana simple lang ang buhay


...na sa bawat patak ng luha merong magpapahid


...na sa bawat ngiti meron ka kasama


...na sa bawat pagsambit ng katagang "mahal kita" may sasagot ng "mas mahal kita"


...na sa bawat tanong may kasagutan


...na sa bawat labi merong isang dadampi


...na sa bawat pagpikit ng mata sa iyong pagtulog merong kang katabi


...na sa bawat ginaw ng gabi meron kang kayakap




Sana simple lang ang buhay...



...patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha


...kanino mo ibibigay ang matamis mong mga ngiti?


...masasabi ko bang "mahal kita"?


...kaya ko bang sambitin ang aking mga tanong? ...sasagutin mo ba?


...meron bang dadampi sa aking mga labi?


...sa pagpikit at pagmulat ng mata solo pa rin ako sa kama


...unan ang tangi kong kayakap...




Sana simple lang ang buhay...






Chellee

Monday, December 13, 2010

Countdown = 12 days before Christmas

December 13, 2010

Walang masyadong tao sa opisina, alam mo na, karamihan kz sa amin monday - tuesday ang day off kaya naman masarap mag trabaho at mag internet walang istorbo.  Tinatapos ko ang isang napakahabang report na dapat pagtuunan ng konsentrasyon, darating na kasi si bosing from a short vacation so dapat bukas nasa email na nya para ma very good naman!  Nagulat pa ko ng may nareceive akong txt mula sa yo, lunch time na daw hmm... sweetness!, as if naman pede tayo mag sabay kumain, nandito ako sa batanes at nasa sulu ka naman hays...  Pero alam mo, as usual pinasaya na naman ako ng txt mo yung para bang may lumukso sa dibdib ko *kilig*


5:00 tumawag ka xempre lundag na naman ang puso ko... nahalata mo ba?  konting kwentuhan lang at ba-bye na...


nag txt ako ke Charms, punta sana kami sa SM para bumili ng regalo para sa exchange gift, naka ilang palitan ng txt pero di rin kami natuloy.  Nag txt kasi si hubby nya sinabi na may sakit si bangs.


5:30 na hindi ko pa rin alam san ako pupunta.  Sa SM ba o sa San Pablo?  Di pa kasi ako nakakapunta kila Ella, namatay na si Inay nya.  Buti na lang tinawagan ko si Ella, sobrang traffic daw sa way going to Los Banos gagabihin lang ako ng bonggang bongga e may pasok pa ko bukas.


6:00 uwian na.  San ako pupunta?  Dinala ako ng aking mga paa sa SM.  Dalawang oras din akong nag ikot ikot bago nakapili ng pedeng pang exchange gift.  Dear monita, for sure magugustuhan mo yang gift ko. Laveett!


Dinaanan ko muna ang isang oras na traffic bago ako nakarating sa amin na gutom na gutom buti na lang bumili ako ng food, yum yum...






Chellee

Wednesday, December 1, 2010

Kung Ganun Din Lang Ayoko Na!

 .
.

continuation to ng previous entry ko...


Meron na kong bagong cellphone!


Nagkita kami ni Joy after work, sa isang chinese restaurant kami napadpad, gusto ko ng siomai... mahaba habang kwentuhan ang naganap, pinairal ko na naman kasi ang katigasan ng ulo ko kanina buti na lang mabait sya basta sya.  Ang dinner nasundan ng tsaa, tapos kape.  Gabi na ako naka uwi ng bahay...


Matutulog na ko ng bigla kong naalala na may bago nga pala akong cellphone sa bag, mejo na excite naman akong buksan at kuting-tingin at bigla kong nasabi...


"bakit ko ba nakuha to?"


Kinaumagahan, hinanap ko agad ang pinsan ko at inalok sa kanya ang phone, hindi natapos ang araw na yun,


sya na ang may ari ng bagong cellphone...


Buti na lang ang cellphone at boyfriend ay magkaiba...






Chellee

Tuesday, November 30, 2010

Sana Ganun Lang Kabilis


May Christmas bazaar sa office kahapon, at dahil last day na, yung isang tenant nag offer ng lower price for a certain cellphone brand.  Actually di naman yun ang brand na prefer ko, madaming naki usyoso at marami rin ang kumukuha kaya naki usyoso na rin ako.


At eto pa, bukod sa lower price na nga ang binibigay para dun sa cellphone binigyan pa ko ng mas mejo mababa kaya eto napakagat ako sa mala tuksong cellphone na di ko masyado gusto ang brand, in short nakakuha ako ng bagong cellphone bago natapos ang isang araw...


Nasabi ko na lang sa office mate ko...

"sana ganun lang kadali magkaron ng  boyfriend..."

"kung ganun lang linggo linggo bago boyfriend mo", sabi naman nya.

"ay naku isa lang ang gusto ko, yung mamahalin ako at di bibigay sa lakas ng toyo ko!"

at wala na nga pong nasabi ang office mate ko...


Tuesday, November 16, 2010

Pahiram lang sandali






what if the love you're holding on 

is the love that he is letting go?




Saturday, November 6, 2010

One More Time


11.05.10 - 2:30pm - Hi sis! I know it's too early to ask... what time kayo out?  Want to meet?


This time ako naman... Ako naman ang nagtext sa dalawa.  Its my day off.  Sinamahan ko lang si Mommy sa hospital to get the approval slip from Maxicare.  Unfortunately ang akala ko na sandali lang e umabot ng dalawang oras.  Ang swerte kasi ni mommy, kaka-renew lang daw as in kahapon lang ng company ng sister ko sa maxicare kaya kami mejo nakatulog na dun sa paghihintay. :)  


Pagkatapos naming makuha ang approval derecho na ko sa SM to meet Yami and Joy.  Mejo natagalan ng dating si Yami kasi ba naman biglang bumuhos ang malakas na ulan.  Kaya ayun, ikot ikot muna ako hanggang nakabili ng pantalon! hehe!  Buti na lang dumating na si Yami, baka madagdagan pa ng blouse e!


Punta na kami sa Flavors of China, buti na lang dumating na si Joy gutom na kasi kami ni Yami e.  For tonight, walang kasawa sawang  yang chow rice, siomai, sharksfin, beef & broccoli at lechong macau.  Ang masaya nito naka dalawang refill kami ng chicharon nila! hehehe!  Hindi namin alam if refillable yun pero nung pina-refill namin, nirefill naman nila! hehehe!


Kwentuhan, tawanan, picturan...


Well, actually, di pa rin maka get over ay indi naman mejo sad na lang pala...  :(  kaya ayun text a friend ang drama ng princess.  At sa totoo lang e ganun din naman ang feelings ni Yami at Joy, ite-txt din nila ako dapat. 


Hindi man namin na solve ang problems sa dalawang gabing date namin e feeling ko naman magaan na ang aming mga pakiramdam.  Iba pa rin talaga ang may nakakausap.  Yung alam mo na super safe ang mga sinabi mo sa kanya.  Yung hindi ka matatakot na baka may pag kwentuhan siyang iba.  Actually sa aming tatlo lang naman umiikot ang aming mga kwento e.  Sobrang thankful ako for having Yami and Joy which reminds me... wala pa  pala akong post dito about them and our friendship... hmmm... nice idea!






Chellee

Friday, November 5, 2010

Just In Time



Ang akala ko matatapos ang araw na to na nakasimangot ako.  Pero infairness, sa magandang umaga naman ito nagsimula...


Siguro between 4-4:30pm ng tumawag si Joy.  Tinanong nya ko if free daw ba ako ngayong gabi.  Since mejo lungkot lungkutan nga ang drama princess xempre oo agad ang sagot ko.  Tinawagan ko agad si Yami para sabihin ang invitation ni Joy.  Ngayun na lang uli nangyari to dahil sa sobrang ka-busy-han naming tatlo. 


Hindi naman ako umalis hanggang hindi ka tumatawag.  Nung sinabi ko sa yo na aalis ako at mag iinom tinawanan mo lang ako.  Akala mo nagbibiro ako.  Totoo yun.  Oo tampo na naman ako.  Iisipin mo na naman na hindi kita naiintindihan... May mga bagay kasi na kahit alam ko e nasasaktan pa rin ako.  Alam ko din naman na kung pede lang, na kung may iba pang paraan gagawin mo yon para sa kin... kaso nga wala...


Kaya eto kasama nila ako...


Anyways, sabi ko nga ke Joy at Yami, you both came "just in time".  Nag meet kami sa Paseo bago pumunta sa Tagaytay.  Nung una sa Mahogany sana kami kakain para kasing gusto ko ng bulalo. Kaya lang biglang na mention ni Joy na gusto nya ng sisig, e gusto din namin ni Yami yun kaya ayun sa Bali Seafood Paluto Restaurant kami kumain.


Maaga pa nung dumating kami kaya kami pa lang ang tao.  Sobrang gutom na kaya nag order muna kami ng fries.  Mabilis ding dumating ang order namin na sisig, yang chow rice at sinugba platter (kasi nga kami pa lang customer e).  Sakto lang sa min ang sinugba platter, o malakas lang talaga kaming kumain! medium size na tilapia, 2 bbq, 2 sugpo, pusit na super lambot, tahong, talong at manggat bagoong.  Inabot lang ang bill namin ng P1,300+.  Oops i forgot, yung sisig kapartner yun ng malamig na malamig na san mig lights.  Kung ilan kami na lang ang nakaka alam! :) 


Bakit nga ba may san mig?  Ang alam ko drama princess ako.  Hindi lang pala ako magkakaibigan nga kami! sila ding dalawa may baong kwento.  Actually, madaming kwento na di kayang isulat ng mga kamay ko... mga kwentong puso na kailangang ibahagi sa mga tunay na kaibigan dahil kung hindi e baka biglang sumabog!  Tama na nga!


Lipat na tayo.  Punta naman sa Starbucks.  Xempre parang sinehan lang, mahaba ang pila, puno na ang lugar.  Start na rin ang pag iipon ng stickers.  Sa 2nd floor kami unang pumunta pero di kinaya ang super lamig na weather, mejo umuulan din kasi o gusto ko lang talaga ng human jacket?  kaya ayun balik sa baba.  Hindi matapos tapos ang kwento naming tatlo.


Late na kami naka uwi, eksaktong 1am kumakatok na ko ng pinto.  Thanks Joy for bringing us home.



Real friends are angels indisguise.






Bali Seafood Paluto Restaurant
Aguinaldo Highway,
Maharlika East, Tagaytay City






Chellee

Wednesday, November 3, 2010

Cool


Isang text mula sa yo at gumaan na ang pakiramdam ko.  Ganun lang naman ako di ba? Mabilis magtampo, mabilis sumimangot, biglang tatahimik at di ka na kikibuin... Pero isang txt mo lang umo-ok na ko, isang tawag lang napapangiti mo na ko.  Alam mo naman yun di ba, ang babaw ko talaga. 


Oo na. Ako na ang masungit. Ako na ang childish.  Ako na ang demanding.  Ako na ang makulit, ay mali sooobrang kulit pala.  Ako na ang drama princess.  Ako na si Claudine.  Ako na si Gelai.  Sige na nga, oo na nga, sorry na po.


Maraming salamat sa yong pang unawa.






Chellee

Monday, November 1, 2010

Bakit mainit ulo ko?

Ilang araw na ding di maganda ang pakiramdam ko:

  1. as usual because of the sudden change ng weather eto ang ilong ko maya't maya may lumalabas, may araw na biglang mawawala pero biglang lilitaw
  2. kasunod ng sipon ang pangangati ng lalamunan ko, ewan ko ba sakit ko na talaga to lalo na at malapit na  ang christmas time
  3. hayz up to now wala pa rin ang aking pinakahihintay na period, sakit sakit na ng puson wag mag isip ng kung anu man pero eto nga wala pa rin!
  4. ang higit sa lahat ng di maganda e ang "pakiramdam" ko!

Ilang araw nang sumasakit ang puso ko.  Ilang araw na din na nakasimangot ako.   Mainitin ang ulo me connect din naman kz wala pa nga si period!  kung sinu sino ang napag babalingan.  Sino ba naman ang hindi maiinis?

  • two weeks na wala two weeks na walang kisses!  ngayon sabihin mo sino matutuwa?
  • sabi mo dadating ka? bakit biglang hindi?
  • bumawi ng isang araw, anong nangyari kinabukasan?  been waiting for your calls and texts... may dumating ba?
  • i called several times. may sumagot ba?
  • nakausap kita, sabi mo eto... eto... eto... 
  • sa sama ng loob ko kung anu ano na nasabi ko, naka ilang text at tawag ba ako?  
  • sobrang inis na ko deadma ka pa rin! bakit ang cool cool mo?

Sagutin mo! Bakit mainit ang ulo ko?





Chellee

Wednesday, October 27, 2010

Tanong Lang

sa mga oras na sobra kitang na-mi-miss...
na-mi-miss mo din kaya ako?




Chellee


Thursday, October 7, 2010

I love the feelings

kapag out of the blue, bigla kang tumawag...
alam mo bang lumulundag ang puso ko kapag ginagawa mo yun?  yung tipong sobrang sakit na ng likod ko kaka trabaho at kaka internet habang naghihintay ng updates sa blog  tapos biglang mag ri-ring ang phone at makikita ko pangalan mo, wow superb...


kapag nag txt ka ng bonggang bonggang message at minention mong... ? boink!
yung maagang txt mo just to check where I am, or if kumain na ko, or just asking what i am doing, feeling ko sobrang haba ng hair ko!


kapag naalala mo ko...
kailangan ko pa bang ipaliwanag yan?


kapag tinanong mo ko what time i'll be going home...


kapag tinanong mo kung ano gusto kong kainin...
kahit alam mo na ang isasagot ko e chicken o kaya e chicken pa rin or yung aaking instant sagot na: "parang feeling ko gusto kong mag california maki" hehe.


kapag sinusubuan mo ko ang sweet! ng food na kinakain mo...
kasi nga chicken ang sa kin e.


kapag tinititigan mo ko tapos sabay kikindat ka na parang may sinasabi ka sa kin pa kiss naman oh!...
para akong ice cream na matutunaw, aw!


kapag inilalagay mo ang ulo ko sa yung dibdib tapos sabay halik sa may noo ko o kaya e sa buhok ko...
sabi ng iba kiss daw yon sa lola pero ako, wa pa kems dun, kz para sa kin isa yun sa napakaraming sweet little actions na pogi points


kapag niyayakap mo ko ng mahigpit na mahigpit na mahigpit ♥... bigla kang tatawa ng malakas na malakas pagkatapos kong sabihin =>  "parang gusto mo na kong patayin ah?" hehehe


kapag biglang tayong magkaka ngitian ng walang dahilan...
parang mga sira ulo lang eh


kapag hinahalikan mo ko ♥ ...
tapos bigla kang mag stop kz mararamdaman mong ngumingiti ako, bakit ko love yun? e kz for sure uulitin mo kong halikan at ngingiti uli ako para stop ka uli tapos kiss mo uli ako  at xempre seryoso na ko nun! hehehe


kapag ninanakawan mo ko ng halik! ♥
cute and sweet

oh hanggang dito na lang po muna ang aking kakesohan... =) 










Chellee









Monday, October 4, 2010

Aw!



Sa bawat ngiti ko, may umiiyak pala.  Sa bawat ngiti ko umiiyak ka pala.  Hindi ko naisip nasasaktan na kita. Hindi ko namalayan na sa bawat araw na masaya ako meron pa lang nalulungkot.  Hindi ko akalain na makakasakit ako. Alam ko mahirap intindihin,  alam ko masakit tanggapin. 


I'm so sorry for hurting you, hindi ko sinasadya...





Chellee

Thursday, September 23, 2010

David's Tea House

Dapat kahapon kami kakain sa labas pero di kami natuloy ganun ata talaga kapag pinaplano kaya ayun kailangang biglain lahat ng makakasama, so after work biglaang nag kayayaang kumain kaya yun go ang taong gutom na gutom... sa gala at sa kain! hehehe!   



Beef with brocolli, yummy!


shrimp siomai na di kumain si myra kz may allergy daw sya



hakaw na favorite ni glacy

ito ang dahilan ng pagkakaroon ko ng rashes sa aking mga hita!




pinagtripan namin si anton na picturan, at todo smile naman sya,
tiningnan muna ang picture at pinaulit pa kz pangit daw eh!


at eto ang pinaka highlight ng gabi... nag commute kami nung pauwi, sakay ako sa jeep kasama si myra at si lil.  bigla kaming nagkatinginan ni lil... me mag bf sa harap namin.  eto ang tanong ko ke lil, "bakit sya may bf, ako wala?".  eto naman ang sagot nya, "kamag anak yan ni ramon revilla, pinsan ata yan ni bong revilla!".  muntik na kong mapahagalpak pero ang totoo sobra akong pinag sakitan ng tyan kakatawa!  At eto pa, bago bumaba si lil bumanat pa, "wag kang bababa ng di ka nakaka hingi ng agimat!" hahaha!  gets nyo?





Chellee

Monday, September 20, 2010

Ryuma


I got a dinner invitation from Yami and I immediately txted Joy if she's available.  But before that  scene,  I saw myself walking home alone tonight for a personal reason...  Wind will be blowing my hair while the sun begins to set wherein the sky is turning gray.  But hey, dinner date with best buds is much much better than walking home alone.  Besides, I can re-schedule my "me and myself only" time.


Anyways, Joy was not able to join us due to an earlier scheduled meeting but as always she will never let a date pass without a call and so we got an hour of cellphone call from her!  Joy is our official photographer, since she's absent, pardon the pix below captured by my samsung cellphone. =)   




Ryuma is a new restaurant located at the newly built Paseo 4.  I found the place very neat and welcoming same goes for their waiters and waitresses.   A cold tea plus an appetizer (a black grass like) was immediately served for us.  And we don't wait too long for our foods to arrive!
 




We ordered mix seafoods tempura and pork tonkatsu.  We just add a little to upgrade the food we ordered and that means adding two bowls of rice and two miso soup.  I think it will be better to say shrimp and squid tempura rather than mix seafoods hehehe =).  Tonkatsu is good enough.  Good thing we didn't order california maki, we're already full even before we finished our bowl of rice!






Would you believe that this picture is taken inside their female restroom?  Oh yes! It  is!  You'll be amazed with their very clean pink restroom complete with toiletries, from alcohol, cotton, hand sanitizer, different liquid soap, lotion etc.


Before we left the place, Yami and I agreed that we will visit this place again together with Joy!


Till next date sis! ;-)









Chellee

Friday, September 17, 2010

Hopeless Romantic

Over dinner, a friend ask, do you still celebrates monthsaries?  It made me think for a while.  Do i?


I have to admit i am a hopeless romantic girl...  I love to receive love letters times when txting is not yet a thing  and read it over and over...  er, i love reading love txt messages over and over again hehehe!  I feel like a princess when he will open the door for me.  Love the warmth of his hand when he touch my back when he lets me in first.  I know you would disagree with me when i say i hate receiving flowers and chocolates from our someone special.


I used to buy monthsary/ anniv cards and gave to my bf after scribbling some notes and drawing hearts all over iww.  I easily got irritated when he forgot to greet me early in the morning and more irritated when i feel that he doesn't care at all. 


I love giving surprises but ofcourse loves receiving too!  A surprise visit, or a dinner or an out-of-town trip who would resist?


Those were the days...


Now, i think i've learn my lesson... not all men love this mushy mushy thing but hey, i think some still love this hehehe.  I think they hate it when they have to buy something or do something special on an specific date every month a simple early greeting will do...



Friend did i make sense, did i gave an answer?  She just smile, knowing me, a lady full of stories... =)










I love each day you spent with me, 
i love the way you hold my hands, i love the way you hug me,
i love the way you smile or wink at me, i love the way you kiss me,
i love the way you laugh so hard, i love the way you stare at me...  
i love the way you always makes me feel im so special...









hey, today's the 17th day of the month boink boink!
hehehe!









 Chellee

Friday, September 10, 2010

Pwedeng Magtanong?

hanggang kailan kita mamahalin?

hanggang kailan kita yayakapin?

hanggang kailan kita mahahalikan?

hanggang kailan ako tatawa?

hanggang kailan tayo masaya?

hanggang kailan kita makakasama?

hanggang kailan?

hindi ko alam...




Chellee

Saturday, September 4, 2010

09.04.10

I'm not feeling well

I'm not ok



I'm pretending to be ok

I'm pretending to be just fine

I'm pretending I don't care

I'm pretending to be strong



I'm afraid of something I don't  know

I'm afraid to sleep tonight

I'm afraid to wake up tomorrow

I'm afraid not to find you...



I'm so sorry I can't do anything

I'm so sorry I put you into trouble

I'm so sorry for showing you that I care

I'm so sorry for loving you...



I  know what to say

I know what to do

I just don't want to





I'm so sorry for loving you...




Chellee

Thursday, September 2, 2010

So much!

Thank you so much...


for making me happy

for being with me

for standing by my side

for being patient

for being protecttive

for taking care of me



thank you...


for your time

for your sweet kisses

for your warm embrace





thank you for making me happy... 




Chellee

One day in Cebu



Believe me when I say, i enjoyed every minute of my stay here.  After days of continuous rain in Luzon, lo and behold the weather in Cebu was warm, in fact it was so hot! 


Cebu pacific's flight was on time.  By 10am our feet landed in Cebu's airport already.  I called Roseate Pension House if it's possible for an early check in.  Good thing they allowed us.  We were then checking our things when something pop up in my mind... "What if Byahilo's here?"  The two giggled... hahaha what if nga?  Then Joy said "picture picture"!  We're still giggling when i heard that Byahilo's name is being page!  Joy hurriedly looked for her camera, hayz Byahilo's like flash he's no where to be found...


We looked for a white taxi outside the airport since we were informed that it is much cheaper compare to the yellow taxi.  True enough, we reached the pension house for only P60.00.  Mang Joel, the taxi driver is very friendly and according to him he is very talkative also.  He offered his taxi and volunteered to be our tour guide.  The price is reasonable enough and so we agreed.  We requested him to pick us after two hours since we're all hungry and hopefully take a nap.


Oh no, after an hour, our food is not yet ready, good thing we have chocolates...  Sorry Mang Joel for waiting, he arrived 30 minutes ahead of time.



Our first stop...



Di ata complete ang tour mo sa Cebu pag wala kang picture dito...




Lola is praying for me.
At xempre yun nga po ang dasal ko.
Sige na po, pleaseeee...

Mahirap kaya ang ganyang trabaho?




Napakarami naming kasabay nung dumating kami dito sa Fort San Pedro.
At napaka ingay nila.
Ayokong sabihin kung anong nationality nila, basta sila yun, ang ingay!



dito entrance...



3rd stop

mejo malayo na to sa city



pasalubong ke jedd



ang masarap na danggit



Taoist temple



dinner time.

sino walang puso?



the way we eat



tops






Chellee



Wednesday, September 1, 2010

If I'm a candy


During our half year report and planning, our COO decided to break the silence by this open phrase... 


If i'm a candy...


That's easy for me since I know what I like and what I love... but associating it to one's personality? hmmm... that's kinda difficult. =)


Back to the game...


If i'm a candy... I'm a candy/ chocolate flavored peppermint!  First, i love peppermint!  I dont know basta  gusto ko lang kahit saan kahit sa kape pa yan!


And I said... After you ate something with peppermint for sure it will leave something in your mouth...  Ako?  You'll have me... you'll leave me... but for sure you'll never forget me cause i know i have touched you...  =)


Whoaaa!




Chellee

Sunday, August 29, 2010

Ikaw kz

.

Sad ako pag di kita nakikita

Sad ako pag wala akong nare-receive na txt mula sa yo

Sad ako pag feeling ko dinededma mo ako

pati na rin ang mga texts at calls ko

Sad ako pag di natuloy ang usapan natin

Sad ako pag parang binabalewala mo ako

Sad ako pag friday

Sad pa rin ako...




.

Saturday, August 21, 2010

Mishu!

Kung makakapagsalita lang ang fone ko baka kanina pa ko nito minura. Ilang ulit ko na bang tiningnan kung may bagong message?  Ilang ulit ko na bang binasa ang laman ng inbox ko?  Feeling ko naman meron pa kong di nababasa dito.  Feeling ko baka sakaling pag open ko uli e me bago ng message!  Hays... feeling ko lang yun!


Ano bang dapat gawin pag may nami-miss ka?  Nag check na ko ng updates sa facebook... wala din, nakakatamad magbasa lalo na at iba naman ang iniisip mo.  Tinigilan ko na din ang pag upload ng pictures sa fb, naiinis lang ako e.  Pati kabagalan ng pag a-upload na pag didiskitahan ko! 


Nakailang libot na din ako sa mga blog, gusto ko sanang magbasa ng mga new entries ng mga friends, pero wala e ganun pa rin, tinatamad pa rin ako.  Wala akong maintindihan sa mga sinulat nila.  Kainis bat ganun?  Bat ikaw ang naiisip ko?


Bukas ang tv, bukas ang pc, bukas ang phone... pero kainis wala pa ring epekto sa kin!  Parang gusto kitang makita as in now!, parang gusto kitang maamoy di naman ako pusa,  gusto kong mahawakan ang kamay mo di naman ako manghuhula,  parang gusto kitang mayakap di naman ako giniginaw, wala lang gusto ko lang!  Eh sa gusto ko e wala kang magagawa...


Kaya eto ako ngayun walang magawa...  Baka sakaling marinig mo ang bulong ko...

mishu
mishu
mishu
mishu
mishu
mishu
mishu
mishu
mishu

Friday, August 20, 2010

lost and found

I was looking for my everyday-silver-ring in my jewelry box this afternoon but i can't find it...  I am so sure that i wore it last night and definitely sure that i put it inside my box before i go to sleep... 


Too bad, that ring was with me since 2006.  Actually it was given to me by JPH, my x bf.  Its not because i still love him or still hoping he'll come back, it's just the ring is beautiful and its super fit my tiny finger.


Flashback...


KRL was my first bf.  On our 3rd year anniv he bought a pair of silver ring for both of us.  It was so romantic,  our names were in it.  The relationship ended before we reach our 6th year.  After the break up I still wear our ring...


Then I met JLM,  during the courtship and getting to know stage, I was still wearing KRL's ring.  That ring suddenly slipped on my hand when I was brushing my teeth the night after a dinner date wiith JLM.  The night when I said yes!  Hahaha! what an incident.  I am head-over-heels with items colored violet or lavender.  That's why JLM gave me a mood ring that turns into violet when i'm happy! cutee!  He left me for a life in Greece.


I was playing with that mood ring when again, slipped, bounced and viola... shoot sa drainage... ba-bye mood ring.    I forgot to tell, i was dating JPH that time...


Present present present...


As of this writing, still, can't find my everyday-silver-ring.


Whoa!  In a date last  night?  or a date coming? tsk... tsk... tsk...





Thursday, August 19, 2010

Torn

Torn between happiness and loneliness.

Torn between hello and goodbye.

Torn between love and hatred

Torn between joy and pain.

Torn between holding and letting you go...

Wednesday, August 18, 2010

Usapang Txt

"San ka ngayun? Sunduin kita."

"Meron pa namang bukas at sa makalawa..."

sabi ko : "i'm just thinking, what if kasama ko..."

"can't wait to see you on... "

sabi ko : "peanut kisses"

"halata ba? aku miss mo ba?"

"sinabi ko bang miss kita?"

"uy taampo agad."

"is something wrong?"

"what's wrong?"

"uy tampo ka na naman..."

"yun lang na mi-miss mo?"

sabi ko : "kainis nga lang
pag di ka na mi-miss ng
taong na mi-miss mo!"



hays... usapang txt

Tuesday, August 3, 2010



power of prayer really works!
love you Bro!


Sunday, August 1, 2010

5 years na kami ♥

Whoa! Time flies so fast, five years na agad kami... 


I still remember the first time i saw you.  Sobrang nahihiya pa ako sa yo nun, feeling ko kz hindi mo ko papansinin.  Mabilis ka naman palang maka vibes eh, after 6 six months ok na tayo! yey!  ;)


Na-realize ko din na hindi pala sa lahat ng panahon masaya tayo.  Oo, aaminin ko na sa 'yo, dumating ako sa time na gusto ko na talagang sumuko, sobrang ayoko na, uber pagod na pagod na ako, intindihin mo naman sana ako, palagi na lang ikaw, ikaw, ikaw, paano naman ako?


Buti na lang lumipas na ang mga unos... eto pa rin ako at nanjan ka pa rin...  Kung sakali mang may dumating pang mga unos alam ko kakayanin natin to!


Maraming maraming salamat sa yo! ♥