Wednesday, December 29, 2010

Company of Good Friends






I am very thankful and lucky for meeting 

and having my good friends.

Sila yung tipo na kahit anung secrets ang sabihin mo e 

di ka matatakot na baka malaman ng iba, kaya nga secret.

Nakakapag usap kami ng tungkol sa kung anu anong mga kababawan 

hanggang sa mga sensitibong bagay.

Mula family, trabaho, financial, parang name it at napag usapan na namin yan.

Pero lahat ng napag usapan namin sa min lang talaga.

Madami ng dumaan na bagyo at unos pero nandito pa rin kami sa isa't isa.

Sila yung kasama mo na di ka maiinip kahit ang tagal tagal na ng kwentuhan nyo.

Oh di ba ang swerte swerte ko for having Charms, Joy and Mae.









Chellee

Saturday, December 25, 2010

It's CHRISTmas Day!

Happy Birthday Bro!  Yan ang sinabi namin ng pamangkin ko bago pagsaluhan ang aking hinandang spaghetti at carbonara!  Level up na ko ngayun kasi ako na ang nagluto. hehehe!


Nagsimula ang araw na to sa isang misa na in-attend-an namin sa St. Claire of Assisi.  Dahil sa mongha ang mga naandito dito masarap umattend ng mass. Talagang mararamdaman mo na nasa misa ka.  Yun nga lang konting sakrispisyo dahil ala sais ng umaga ang start ng mass na to.


Pag uwi sa bahay nakapag breakfast lang kami ng sandali at eto na ang mga batang namamasko!  Nakakatuwa naman, dati kami ang maagang gumigising para mamasko tapos sa gabi pupunta pa kami sa mga lola ko pero ngayun isa na ako sa mga nagbibigay ng papasko.  Ang sarap naman kaya ng feeling na ngumingiti ang mga bata matapos silang abutin ng regalo!


Pero di tulad ng nakasanayan namin, lunch time pa lang wala ng namamasko, dati kasi hanggang hapon e may pumupunta pa rin sa bahay.


Kaya ayun, namasyal na lang kami.  As usual nasayahan na naman ang dalawang makulit kong pamangkin habang nagpapakain ng mga isda sa Nuvali.  Sa Paseo kami nag dinner at sinundan ng kape.  Ngayung gabi nakuha ko din ang aking planner! Yipee! Sana lang e masulatan ko! at isa pang yipee!





Chellee

Friday, December 24, 2010

Countdown

Ang countdown na di ko na naipagpatuloy hehehe.  Sino nga ba ang dapat sisihin?  E sino pa nga ba, e di wala ng iba kung di ako!  Kainis kz ang daming dapat tapusin kaya ayun di ko na naisingit ang pagsusulat.  Sayang naman kung di ko masundan... Kaya eto kahit huli na gusto ko pa ring tapusin ang nahintong countdown.


December 19, 2010 - 6 Days Before Christmas


Sunday.  Closing duty ako sa work, 4pm ang time ko na nag start sa isang meeting.  Smooth naman ang duty na to walang masyadong concerned.  Yun nga lang mejo di ako ok kz kz meron akong inaasahan na di natuloy.  Ayan na naman kasi ako expect ng expect kaya hurt kung hurt ang drama ng princess!  Oo na, alam ko na yan, ilang tao na nagsabi sa kin na wag masyadong mag expect kaso ang hirap tandaan e lagi kong nakakalimutan!  Kaya ang laging ending, "i-told-you-so" na linya ang lagi kong naririnig.  Pasado ala una na ng masecure ng mga security guard na wala ng tao sa theme park na pinag tatrabahuhan ko.  Ibig sabihin, bago mag ikalawa ng umaga na ko nakauwi ng bahay. =)



December 20, 2010 - 5 Days Before Christmas


Monday.  Kahit puyat di ako nalate sa 8:30 ko na pasok  sipag no?!  xempre naman ikaw na ang may vitamin   hehe!  Mejo ngarag ang beauty ng araw na to.  Bigayan ng christmas basket xempre kasama ako sa behind the scene na to.  Nasiyahan naman ang karamihan sa kanilang natanggap.  Masaya ang araw kahit di sapat ang vitamin.



December 21, 2010 - 4 Days Before Christmas


Tuesday.  Duty na naman ako, buti naman this time e pang umaga na.  Ngayung araw na to nag simula ang aking holiday blues.  Kung anu anu ang sinabi at tinanong ko sa yo na sa bandang huli sarili ko lang ang sinaktan ko.  Ng gumabi, napangiti mo ako.  Salamat.  Tinext ako ng familia nasa SM daw sila kaya ayun go na rin ako pagka out ko sa office.



December 22, 2010 - 3 Days Before Christmas


Wednesday.  Holiday blues na naman ang umatake buti na lang hindi mo pinapatulan ang toyo ko.  Bilog na ba ang buwan?  Nakakainis ang traffic, ang 30 minutes na travel time ko ay lumalampas pa ng isang oras! Nakakainip magbyahe tapos di pa masyadong ok ang makakatabi mo sa isang pampasaherong jeep.  Buti na lang, buti na lang...



December 23, 2010 - 2 Days Before Christmas


Thursday.  Maghapon akong naghintay, holiday blues day 3 na ito!  Nakakainis.  Pero isang tawag mo lang ok na ko.  Grabe ang traffic, nakakapagod, ang tagal ko bago nakasakay ng jeep.  Ang daming kids sa bahay ng dumating ako bumibisita ang pinsan ko.  Natawa ako ke mader, wala na daw lamang pang ulam ang ref namin ayun tuloy ang napakain sa kanila e isang pirasong pritong talapia, hotdog at ginisang sardinas!  Buti na lang enjoy ang mga bata sa hotdog.  Midnight sale sa SM.  Nagkita kita kaming tatlo.  Swerte may nabili akong blouse sa shapes, P399 lang!



December 24, 2010 - A Day Before Christmas


Friday.  Day off.  Maghapon ant magdamag na skype para sa kapatid kong nasa malayo sa kaniyang dalawang makulit na anak.  Nagluluto sya ng para sa pang small party nila ako naman e nagluluto.  Infairness, ako ang nagprepare ng food namin ngayon kasi yung kapatid kong nasa malayo e sya dati ang cook.  Infairness uli, masarap ang food na prepare ko!  Na may kasamang pagbubuhat ng bangko! hehehe!  Nagsalo salo ng 12 midnight pagkatapos ay natulog na maaga pa kasi ang mass na a-attend-nan namin mamaya sa St. Claire of  Assisi.




Chellee

Tuesday, December 21, 2010

Something



isang ordinaryong chocolate na nagpaiba sa mood ko kanina.  salamat.






Chellee


Monday, December 20, 2010

Countdown = 7 Days Before Christmas

December 18, 2010


Second day ng aking day off.  Dito pa rin sa house kasama ang dalawang makulits.  Makulimlim ang panahon, malamig, parang ako din, kasi nami-miss kita kainis sobrang cheesy na to!


Dapat ipapasyal namin ang dalawang makulit sa nuvali gusto kasi nila mag pakain uli ng mga isda kaso mo naman kung kailan paalis na kami e biglang bumuhos ang ulan.  Nag antay sandali baka sakaling tumila pero eto yung ulan na habang hinihintay mo e ayaw naman nyang tumigil.  Kaya ayun, ang dapat na nuvali nauwi sa paseo.  Buti na lang merong mini playground dun, nasayahan na ang dalawang makulit sa pag slide.  Ikot kami ng konti baka sakaling may magustuhang damit, bokya!


Nagutom ang lahat, pinag fiestahan ang 30 inches na pizza.  Yummy!


Tila na ang ulan, ang mag anak na gala sugod sa nuvali.  Meron pang bazaar dun kaya nakapag window shopping na rin.  Nakita din ni Jedd at Yu ang fish, sabi nga ni Jedd "gising pa si otep?"

Nakauwi kami ng house ng past eleven na.  Bagsak ang dalawang makulit ang himbing ng tulog!






Chellee


Saturday, December 18, 2010

Countdown = 8 Days Before Christmas

December 17, 2010


Friday, day off ako ngayon.  Dahil late na akong natulog kanina may reason akong late na ding bumangon! =) Pag ganitong day off syempre kasama ko maghapon ang aking dalawang cutee na pamangkin.  Sobrang kulit ng dalawang ito at talagang mapapaos ako kasisigaw pero lahat ng inis e nawawalang bigla pag niyakap na ako ni Jedd ng mahigpit at hinalikan kasama ang lahat na ata ng laway ni Yu.


Sinamantala naman ni mader ang pagkakataon dahil sinama nya si ate yaya at nag grocery ang dalawa.  Mahaba ang tulog ng dalawang makulit kaya ok lang na naiwan kaming tatlo actually saktong gising ng dalawa e syang dating din nila mader dear.


Matagal din tayong nag usap sa telepono kaya nga maganda ang mga ngiti sa labi ko kesehodang mangulit ng mangulit si Jedd at si Yu... e ano ngayon? e solve na ko, naka take na ko ng vitamin ko! hehehe  Nakailang take pa nga ako e este usap pala tayo kaya naman lalalalala ang beauty ko!


Ordinary day off, walang gimik, nag stay lang sa bahay maghapon.  Eto yung mga panahon na nakakatamad maligo kasi malamig ang panahon! at kailangang paglabanan ko pa ang katamaran ko upang masayaran ng tubig ang aking katawan hanggang sa... tumunog uli ang aking telepono at muling narinig ang iyong tinig.  Nag iwan ng ngiti sa aking mga labi at bigla ko na lang nasambit... kaya ko nang maligo!






Chellee

Friday, December 17, 2010

Countdown = 9 Days Before Christmas

December 16, 2010


Maagang nagsimula ang araw ko.  9am ang funeral mass para sa Inay ni Ella.  Sakto lang ng dumating ako sa simbahan matapos ang mahabang dalawang oras ng malamig kong byahe.  Nakakalungkot lang na wala na si Inay.  Di ko makakalimutan ang mga kwentuhan namin pag doon ako nag i-sleep over.  At pagkagising namin naipagluto na kami ni Inay ng almusal.  Kung mamimiss ko si Inay pano pa si Ella?  Ramdam ko yun nung niyakap ko sya, pangalan ko lang ang sinabi nya pero alam ko marami syang ibig sabihin sa kin.  Natameme kaya ako, parang may bara ang lalamunan ko kaya isang mahigpit na yakap lang ang naiganti ko ke Ella.


Pumasok ako ng half day sa office.  As usual daming work.  Walang masyadong encounter sa ibang tao kasi akala nila e maghapon akong wala. 


Nakareceive ako ng call mula sa yo, hays ang babaw ko talaga, napasaya mo na naman ako.  Narinig ko lang boses mo gumaan ang pakiramdam ko.  Mejo me konting kwentuhan pa.  *kilig* 


May christmas party na dapat attendnan ngayung gabi.  Naimbyerna lang ang beauty ko dahil isang oras at kalahati akong nag hintay sa driver ni Joy na susundo sa amin ni Charms.  Buti na lang sa office ako susunduin at least di masyadong nakaka irita.  Di na kami natuloy sa hotel.


Super traffic pa rin at di na advisable na tumuloy pa kami sa hotel.  Diretso kami sa Tagaytay.  Naghanap ng restaurant sobrang gutom na kaming tatlo.  Dalawang restaurant ang napuntahan namin pero parehong about to close na sila.  Oh di ba ang saya? Gutom na gutom ka na pero wala pa ring lugar na pedeng kainan!  Sa Leslie's na lang kami nag dinner, walang masyadong tao. 


Time check: ilang minuto bago mag 10 ng gabi... Sinugba platter, yang chow rice, pork sisig at manggang hilaw na may bagoong ang napili naming magpasaya sa aming malamig na gabi.  Kabiguan ang inabot ko/namin...  Di masarap ang food!  Waaaah!  Sige na, hayaan na nga, lamang tyan din naman! =)


Konting kwentuhan.  Nagkayakagan na mag kape.  Punta sa sbucks.  Alis din agad.  Ang daming tao grabe!  Byahe na uli, sa Paseo na lang kami magkakape.  Naidlip na ko sa byahe ang lamig kasi ang sarap sana ng may kayakap!


Hays salamat may available pa na couch, sarap sarap ng pwesto.  Exchange gift na.  Para di namin mahulaan kung sino ang bibigyan namin merong kaming code.  Genius si google kasi scientific name ng puno ang napili naming code, o di ba sige nga kung mahulaan mo kung sino ang bibigyan mo ng gift.  Di ko naman pinahirapan ang nakabunot sa kin... Pterocarpus Vidalianus Rolfe yan lang naman ang code ko! Hehehe!


Tatlo lang kami pero ang lakas ng tawanan at kwentuhan namin kung papano at bakit yun ang napili naming code name...


Time check:  2am, oh nasa pinto na ko ng bahay namin nyan, as usual hinatid uli ako ni Joy.  Di pa nagtatapos ang araw ko umaga na nga uli eh may text kasi ang kapatid ko at nakikipag chat pa sa kin, important naman kasi ang pag uusapan...


Time check:  5:30am, pano? sleep muna ko ha, twenty fours na kasi akong gising...






Chellee


Countdown = 10 Days Before Christmas

December 15, 2010


Walang masyadong nangyari sa umaga ko.  Walang txt.  Walang call.  Busy ka daw.


After lunch, nag meeting ang buong department.  Di ko ma explain ang feelings ko ng meeting na yon.  Ang daming new ideas.  Ok lang naman sana...  sana lang napag isipang mabuti... sana lang walang masasagasaan walang masasaktan, ewan ko din uulitin ko, sana napag isipang mabuti...  Hindi ko nagustuhan ang lasa ng california maki, affected pa rin siguro ako ng napag usapan.


Wala pa ring txt.  Wala pa ring call.  Pauwi na ko wala pa rin.  Sad na.  Ilang beses ko ding ti-nry na tumawag pero di kita makontact.


Di pa rin ako natuloy kila Ella.  Sobrang traffic sumakit lang ang ulo ko.


Ang ending, sa sobrang sakit ng ulo isang saging lang ang kinain ko para sa dinner sinundan ng isang basong tubig at itinulog ang matinding sakit na nararamdaman...






Chellee


Wednesday, December 15, 2010

Countdown = 11 Days before Christmas

December 14, 2010


Madami na ang tao sa opisina, maingay na.  Busy ang karamihan lalo na sa division namin mamaya na kasi ang Christmas party.  Na forward ko na yung report ke boss.  As of the moment wala pa namang comment/s, di pa ata nakikita e hehehe.  Lunch time na, walang txt or tawag mula sa yo... Bakit ko ba iniintay, ayan nag e-expect na naman ako... 


1:00, kinabog na naman ang puso ko, narinig ko kasi boses mo sa kabilang linya.  Sabi mo busy ka sa isang project at ngayun lang nagkaroon ng free time para tumawag pero wala pang ilang minuto bigla ka ding nag paalam kasi ikaw na ang kakausapin ng bosing mo, pero sinabi mo naman na tatawag ka uli bago ako umuwi... sana.  sadness me.


5:30, papunta na kami sa party place wala pa ring tawag, nalungkot naman ako.  Kaya ayun, di mapigilang kamutin ang nangangating kamay... ako na nga po ang tumawag wala na kasing sasagot sa fone ko pagtumawag sya mamaya.  Unang call, ring na mahaba, deadma, hindi sinagot.  Pangalawang call, hindi na nag ring, out of coverage area inoff ang cellphone?.  Makulit talaga ako.  Pangatlong call, hay salamat at sinagot na ako.  Secret yung usapan. *Ngiti*


Party na.  Unlike our previous christmas party ngayun lang kami lumabas sa opisina.  Ok naman.  Di lang ako nag enjoy sa mga food.  Mejo ordinary kasi ang mga food sa mejo kilala namang restaurant pero isa ito sa hindi ko gustong restaurant, sorry sa organizer ng party.  Nag enjoy naman ako sa parlor games mejo napaos pa nga e.  Winner ako sa isang game, newspaper dance! hehehe! Parang minaster ko ata to e.  As far as I can remember, ito ang isang parlor game na alam kong pagsumali ako for sure mananalo kami ng partner ko.  Ewan ko ba kung bakit.


Another party na hindi na naman ako nabunot sa raffle!  Inaalat ata ako ah.  Kailangan ko muna sigurong maligo sa isang banal na batis para mawala ang sumpa at ng manalo naman kahit minor prize man lang! 


All in all masaya naman ang lahat. =)






Chellee

Tuesday, December 14, 2010

Simple Lang

Sana simple lang ang buhay


...na sa bawat patak ng luha merong magpapahid


...na sa bawat ngiti meron ka kasama


...na sa bawat pagsambit ng katagang "mahal kita" may sasagot ng "mas mahal kita"


...na sa bawat tanong may kasagutan


...na sa bawat labi merong isang dadampi


...na sa bawat pagpikit ng mata sa iyong pagtulog merong kang katabi


...na sa bawat ginaw ng gabi meron kang kayakap




Sana simple lang ang buhay...



...patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha


...kanino mo ibibigay ang matamis mong mga ngiti?


...masasabi ko bang "mahal kita"?


...kaya ko bang sambitin ang aking mga tanong? ...sasagutin mo ba?


...meron bang dadampi sa aking mga labi?


...sa pagpikit at pagmulat ng mata solo pa rin ako sa kama


...unan ang tangi kong kayakap...




Sana simple lang ang buhay...






Chellee

Monday, December 13, 2010

Countdown = 12 days before Christmas

December 13, 2010

Walang masyadong tao sa opisina, alam mo na, karamihan kz sa amin monday - tuesday ang day off kaya naman masarap mag trabaho at mag internet walang istorbo.  Tinatapos ko ang isang napakahabang report na dapat pagtuunan ng konsentrasyon, darating na kasi si bosing from a short vacation so dapat bukas nasa email na nya para ma very good naman!  Nagulat pa ko ng may nareceive akong txt mula sa yo, lunch time na daw hmm... sweetness!, as if naman pede tayo mag sabay kumain, nandito ako sa batanes at nasa sulu ka naman hays...  Pero alam mo, as usual pinasaya na naman ako ng txt mo yung para bang may lumukso sa dibdib ko *kilig*


5:00 tumawag ka xempre lundag na naman ang puso ko... nahalata mo ba?  konting kwentuhan lang at ba-bye na...


nag txt ako ke Charms, punta sana kami sa SM para bumili ng regalo para sa exchange gift, naka ilang palitan ng txt pero di rin kami natuloy.  Nag txt kasi si hubby nya sinabi na may sakit si bangs.


5:30 na hindi ko pa rin alam san ako pupunta.  Sa SM ba o sa San Pablo?  Di pa kasi ako nakakapunta kila Ella, namatay na si Inay nya.  Buti na lang tinawagan ko si Ella, sobrang traffic daw sa way going to Los Banos gagabihin lang ako ng bonggang bongga e may pasok pa ko bukas.


6:00 uwian na.  San ako pupunta?  Dinala ako ng aking mga paa sa SM.  Dalawang oras din akong nag ikot ikot bago nakapili ng pedeng pang exchange gift.  Dear monita, for sure magugustuhan mo yang gift ko. Laveett!


Dinaanan ko muna ang isang oras na traffic bago ako nakarating sa amin na gutom na gutom buti na lang bumili ako ng food, yum yum...






Chellee

Wednesday, December 1, 2010

Kung Ganun Din Lang Ayoko Na!

 .
.

continuation to ng previous entry ko...


Meron na kong bagong cellphone!


Nagkita kami ni Joy after work, sa isang chinese restaurant kami napadpad, gusto ko ng siomai... mahaba habang kwentuhan ang naganap, pinairal ko na naman kasi ang katigasan ng ulo ko kanina buti na lang mabait sya basta sya.  Ang dinner nasundan ng tsaa, tapos kape.  Gabi na ako naka uwi ng bahay...


Matutulog na ko ng bigla kong naalala na may bago nga pala akong cellphone sa bag, mejo na excite naman akong buksan at kuting-tingin at bigla kong nasabi...


"bakit ko ba nakuha to?"


Kinaumagahan, hinanap ko agad ang pinsan ko at inalok sa kanya ang phone, hindi natapos ang araw na yun,


sya na ang may ari ng bagong cellphone...


Buti na lang ang cellphone at boyfriend ay magkaiba...






Chellee