.
.
I am very very happy with this trip... My best friends are all with me! There's Joy and Charms, my ever dependable food buddy, travel buddy and coffee lover! And Ella's there too! My forever friends and cuz kahit di talaga kami mag pinsan! Im so thankful for this once in a blue moon trip. Thank you mga friends! Sana maulit... Sabi nga ni "boss", till next gig!
.
.
sunrise in Camara
.
.
The group met at Starbucks-Magallanes. By 12 midnight the travel begins....
.
.
.
First, mejo tahimik pa kami sa loob ng van. Since 3 groups kami dun. Ang connect? Unang grupo, sis-friend ko na si Joy and Charms na parehong nag work sa EK. At sa ngayon ako na lang ang nasa EK. Forever-friend ko na si Ella na asawa ni Obet. Si Obet friend ko din yan. Dati kaming mag officemates na tatlo. Si Obet friend naman si Aileen at Julius. Sila ang bumubuo ng second group. Ang third group, nandun si Doc Lester at Mads. Friend din sila ni Obet na nakaklase sa photography class. Common denominator namin? Travel, view, camera, pictures, food, sobrang lakas ng tawanan, walang kyeme!
.
.
.
.
joy, ella, charms, me & aileen
.
.
sabi ko nga... tara lets go na!
.
.
Sobrang bilis ng byahe. Alas - 3 pa lang ng madaling araw nasa San Marcelino na kami. Stop over muna sa isang gotohan. Kumain ng goto, pandesal at oatmeal cookie na may kasamang tender loving care ni Joy.
..
Tawanang walang humpay habang hinahanap namin ang San Antonio na malapit sa San Miguel. Buti na lang hindi nawala ang anim na poste na syang landmark sa lugar ni Mang Johnny, ang aming super bait at dependable na bangkero at tour guide.
.
xcited na ang lahat. Nag pe-prepare pa lang si Mang Johnny e gusto nang pumalaot ng grupo sa dagat para masilayan namin ang sunrise sa Camara Island, alas singko pa lang yun ha. At dito nag umpisa na ang mga kasama naming photographer sa pagkuha ng kani kanilang subject. At syempre lagi kaming predicate! :) Isang ordinaryong sunset lang ang inaabangan namin pero ang kaibahan kz sunrise by the beach to, at ang ganda talaga!
..
.
.
.
.
.
.
Next in line = Capones Island. Swerte kami kase maganda ang panahon at yun napuntahan namin ang lighthouse. Kailangan munang umakyat sa mejo matarik na bundok bago marating ang lighthouse. Mejo madali naman ang pag akyat kz may pathway na may hagdan pa although may part na mabato na kung saan e kung sakaling madulas ka e sa baba ka na pupulutin sa tabi ng mga malalaking bato!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sobrang super ganda sa taas. Yung tipong masasabing mong "i'm on top of the world!" Sabi nga namin ang talino mo talaga Bro naisip mo to! Ang lighthouse? Mejo creepy ang dating. Yung tipong haunted house. Yung parang sa movie na napadpad ang group sa isang bahay na pagdating ng gabi e haunted house pala! Madaming istorya ang maiisip habang tinitingnan ang bawat sulok at haligi ng lighthouse na to. Umakyat nga pala kami sa mismong lighthouse. Pero syempre sila lang yung umakyat hanggang sa tuktok ng lighthouse! Katakot kaya!
.
.
Yami and Joy at spiral stairs
..
ruins
..
the lighthouse
.
.
Dito nga pala sa Capones nagsimulang matupad ang isa sa aking mga pangarap... ang pagiging isang modelo! Tingnan ang larawan ko... ganda di ba? Violent reactions are not allowed! Remember blog ko to!
..
.
.
Ayon kay Mang Johnny, sa Nagsasa na kami pupunta instead of Anawangin. More or less e 45 minutes na travel from Capones. Mejo malayo pero ika nga, worth the wait! Because of the location mas kokonti ang nandito. Mostly mga nag overnight kaya ng dumating kami e pauwi na yung iba. Hindi ako masyadong naligo, sobrang init kz na feeling ko malamang kulay uling na ko pagkatapos kong mag swimming! Dito nga pala kami kumain, nag swimming, kumain uli at nag kodakan ng walang humpay! Di ba boss?
.
.
jc, obet, ella, joy, me, lester, charms, aileen, mards
.
.
.
.
.
.
.
.
For our lunch, nag pa-prepare lang kami ng adobong pusit at pritong isda ke Mang Johnny. Ang sarap! Samahan mo pa ng itlog na pula at tuna from Ella, cornedbeef from Charms and alamang from Joy na dahil wala kaming nabiling mangga e pinang ulam na din! After lunch, di ko na napigilan ang humiga sa may buhanginan at matulog sandali...
.
.
.
.
.
.
Last island, Anawangin. Eto ang pinakasikat sa mga blog na nabasa ko at dahil jan super dami ang mga taong nandito! Kaya nga yung suggestion namin ke mang johnny na sa Nagsasa kami mag stay ng matagal ay super agree sya! As usual kodakan na naman ang aming mga friends... kami? nandun lang sa upuang kawayan habang nagbubuo ng kung anu anong kwento. Super enjoy kami sa bench, habang naghihintay ng order naming halo halo. Korek may tindahan po jan! Halos pareho lang ang view nito sa Nagsasa. Mas malamig ang hangin dito. Pero ang totoo mas gusto ko sa Nagsasa... :)
.
.
.
.
.
.
.
.
Matapos magsawa sa pag pipicture naisipan na rin naming bumalik sa bahay ni Mang Johnny. Haay nakakatakot ang alon! Feeling ko tatalsik ako! Pero infairness banayad pa daw ang mga alon.
.
.
meet Mang Johnny, ever dependable tour guide and bangkero
..
All in all sobrang saya ng trip na to. We started as strangers but ended up as friends! Till our next trip! :)
thanks to joy, obet and jc for the pix
No comments:
Post a Comment