.
Kilala mo ba ako? Konti pa lang to pero atleast you'll know something about me...
1. favorite ko chicken. walang kamatayang fried chix, para akong bata pero walang magagawa ganun talaga e. super favorite ko ang hot and crispy chicken from kfc samahan mo pa ng kanilang overflowing na gravy... for sure madami na namang rice ang katapat!
2. manggang hilaw - super fave ko din yan kasama ang alamang na manamis namis na maanghang. ano ba yan naglalaway na ko!
3. california maki - waaaa... kahit saang store meron nito gusto syang tikman... at isang super adik ako dito dahil talagang pinag aralan ko pa syang gawin. sa tulong ni super friend buddy na si Joy e natuto ako. pero sabi ko nga ke joy e yung gawa ko e pang akin lang nakakahiyng ipakita sa iba next time na lang pag perfect ko na! kahit isang kilo ata ang gawin ni joy e kaya naming ubusing tatlo!
4. hindi ako kumakain ng malalambot! na pagkain! kaw talaga ano nasa isip mo ha? ayaw ko ng marshmallows, jelly ace, gulaman pati mga gummy candies pati na suman at puto... iw!
5. mejo na ngangati ako pag naka golf shirt ako, o kahit na anong may mga collar na shirt... ewan ko ayaw ko ng may nakaharang sa leeg ko feeling ko di ako makahinga
6. super favorite ko ang sleeveless! yehey! dati kz ok kz payat pa braso ko pero ngayong mejo malaki na ko pati na ang braso e walang humpay pa rin ako sa pag suot ng sleeveless! imagine nasa baguio ako pero naka sleeveless pa rin!
7. fave color? tinatanong pa ba yan? lavander, purple, violet... basta! fave ko lang!
8. nung kinder ako, first day ng klase, after recess kinuha ko ang bag at payong ko at umuwi ako... oops! buti na lang may nakakita, ayun hinarang ako at pinabalik sa room... buti na lang classmate ni tatay ang teacher ko! hehehe!
9. super fan ako ng sweet dreams pocket books noon! Isa sa fave ko ay ang P.S. I love you
.
10. isa akong choir member, o bat may umaangal? walang pangit na boses sa paglilingkod ke Bro! Tandaan mo yan! hehe
.
.
Konti lang yan sa napakadaming somethings sa buhay ko. Yan na lang muna at baka ma bore na kayo sa pagbabasa nito...
.
.
Hanggang sa muling pagbubukas ng libro ng aking buhay...
.
.
No comments:
Post a Comment