Sunday, April 25, 2010

konting kaalaman

.
.
Kilala mo ba ako? Konti pa lang to pero atleast you'll know something about me...


1. favorite ko chicken. walang kamatayang fried chix, para akong bata pero walang magagawa ganun talaga e. super favorite ko ang hot and crispy chicken from kfc samahan mo pa ng kanilang overflowing na gravy... for sure madami na namang rice ang katapat!

2. manggang hilaw - super fave ko din yan kasama ang alamang na manamis namis na maanghang. ano ba yan naglalaway na ko!

3. california maki - waaaa... kahit saang store meron nito gusto syang tikman... at isang super adik ako dito dahil talagang pinag aralan ko pa syang gawin. sa tulong ni super friend buddy na si Joy e natuto ako. pero sabi ko nga ke joy e yung gawa ko e pang akin lang nakakahiyng ipakita sa iba next time na lang pag perfect ko na! kahit isang kilo ata ang gawin ni joy e kaya naming ubusing tatlo!

4. hindi ako kumakain ng malalambot! na pagkain! kaw talaga ano nasa isip mo ha? ayaw ko ng marshmallows, jelly ace, gulaman pati mga gummy candies pati na suman at puto... iw!

5. mejo na ngangati ako pag naka golf shirt ako, o kahit na anong may mga collar na shirt... ewan ko ayaw ko ng may nakaharang sa leeg ko feeling ko di ako makahinga

6. super favorite ko ang sleeveless! yehey! dati kz ok kz payat pa braso ko pero ngayong mejo malaki na ko pati na ang braso e walang humpay pa rin ako sa pag suot ng sleeveless! imagine nasa baguio ako pero naka sleeveless pa rin!

7. fave color? tinatanong pa ba yan? lavander, purple, violet... basta! fave ko lang!

8. nung kinder ako, first day ng klase, after recess kinuha ko ang bag at payong ko at umuwi ako... oops! buti na lang may nakakita, ayun hinarang ako at pinabalik sa room... buti na lang classmate ni tatay ang teacher ko! hehehe!

9. super fan ako ng sweet dreams pocket books noon! Isa sa fave ko ay ang P.S. I love you
.
10. isa akong choir member, o bat may umaangal? walang pangit na boses sa paglilingkod ke Bro! Tandaan mo yan! hehe
.
.
Konti lang yan sa napakadaming somethings sa buhay ko. Yan na lang muna at baka ma bore na kayo sa pagbabasa nito...
.
.
Hanggang sa muling pagbubukas ng libro ng aking buhay...
.
.

Friday, April 23, 2010

EK BIKI Waterworld


Summer will not be complete without water experience! Come and visit Enchanted Kingdom for the newest attraction... EK biki Waterworld!!!

Lucky me plus four (4) of my friends... we tried it for free!

EK biki at Nyt!


walang kamatayang jump shot



EK biki @ nyt








kowts lang

he keep saying he thinks about me all day long
and then smile and say hi as he walks by me with her
*
*
*
*
pasaway talaga ang puso...
sabi wag yun, sige pa rin!
sabing tama na, tuloy pa rin!
sino nga ba ang totoong pasaway?
puso na walng ginawa kundi magmahal ng totoo
o utak na di marunong magpaka totoo?
*
*
*
*
bakit pag may gusto tayo
kailangang iwanan natin yung iba
para lang makuha yun?
pero pag andyan na
saka mo lang malalaman
na yung taong iniwan mo
ay minsan na rin iniwan ang lahat lahat sa buhay
para lang sayo...
*
*
*
*
i don't want someone who can love me for a lifetime...
i just want someone who's willing to love me faithfully while he's mine...
*
*
*
*
madalas kong isipin
san ko ba ilulugar ang sarili ko sa yo?
o kung may lugar pa ba ako?
kapag bibitiw na ko dumarating ka
at pinararamdam mo na meron pang pag-asa...
ngayun, darating ka pa ba?
kz bibitiw na ako...
*
*
*
*
alam mo ang babae parang bulaklak lang yan.
huwag mong pipitasin kung di mo aalagaan.
*
*
*
*
di ba masarap magkaron ng theme song para sa mahal mo?
di nakakasawang pakinggan...
pero ng magkahiwalay kayo,
ang dating kantang nagbibigay buhay sa yo
ay siyang kantang unti unting dumudurog sa puso mo
*
*
*
*
mahirap pala masaktan,
luluha ka,
walang ganang kumain,
magkukulong sa kwarto.
ngayon naranasan ko na pano masaktan.
pede ba magtanong?
ano naman ang pakiramdam
pag nalaman mo na may nasaktan ka?
*
*
*
*
eto na ang huling araw na papangarapin kita...
huling pagkakataon na iiyak ako...
at huling sandali na papayaga kong saktan ang sarili ko...
bukas pag nakita kita ibubulong ko...
"tama na, masyado na kitang minahal..."
*
*
*
*
I could never find another one who could compare to you.
i may love again but not the way i have loved you.
you may only be a part of my past.
but you know what?
everytime i see you,
i whisper...
"minahal ko yan..."

Wednesday, April 21, 2010

Urgent daw!



Urgent SMART Reminder:

Your commitment to pay P991.59 is due today April 20. Pls call us at 511-2890 using your cellphone for the payment details. Thank you.
(message was forwarded by dad who's using smart number)
What? Didn't remember that I promised to someone from SMART to pay SMARTBRO bill today, April 20, 2010. I'm still at the office and so i dialled their landline number only to found out that I need my service reference number! Drop the idea of calling!
When i got home, i borrowed dad's phone to dial their toll free number. It took me thirty minutes to talk to a customer service representative! Kung di ko lang talaga kailangan hindi ako maghihintay ng ganung katagal!!!
Diesel, CSR, patiently lend his hear to my complains!
Me : hi. can you please check if my last payment (04.15.10) is already posted
Diesel : after 1-2 minutes; yes ma'am, it is already posted
Me : well, i got a text message (actually its my dad) this afternoon reminding me that i promised to pay P999.51 today, April 20, 2010. Well Diesel, you see, how can I promised to pay today if I haven't talk to anybody from Smart?
Diesel : Ma'am kindly hold for a second,'ll check.
Me : Hello are you still there?
Diesel : Yes ma'am, your payment last 04.15.10 is already posted
Me : Ok thanks. I am just curious as to why SMART sent me that message. First it says its urgent. May i ask why? I just pay P1,000.00 for February 26 to March 25, 2010 billing period. Today is just April 20, five (5) days before the last day of my next billing period. Next, is commitment, how can I commit? to whom did i commit?
Diesel : Ma'am your due date is every 15th of the month
Me : I know, thank you for reminding me. Well you see Diesel you keep on reminding us to pay our bill but as a matter of fact, the latest bill i got is the billing period covering January 26, 2010 to February 25, 2010 and it's already April!
Diesel : Ma'am let me check
after 2-3 minutes
Diesel : (asked for my complete address) Ma'am your concern will be reported and we are going to check why you haven't got your bill
Me : Thank you diesel...


I ended the call.

Tuesday, April 20, 2010

Di Na Ganun

by Yeng Constantino


Paano na lang kung ako ang iiyak sa iyo
Paano na yan buti kung may magawa pa ako
E paano na kung ako na ang nahihirapan
Magagawa ko ba sa 'yo na bigla kang talikuran


Wala na ang dating tamis
At sa tingin ko'y di ko na maibabalik


Bakit di ko maaming wala na ang dating damdamin
Di na ganun
At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin
Di na ganun


Paano na lang kung biglang masabi ko sa iyo
Buti kung intindihin mo ako
Paano kaya kung ikaw ay akin nang iwasan o iwanan


Wala na ang dating tamis
At sa tingin ko'y di ko na maibabalik


Bakit di ko maaming wala na ang dating damdamin
Di na ganun
At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin
Di na ganun


Ibubulong na lang sa hangin ang aking nararamdaman
Nalilito na ako pa'no mo ba malalaman


Bakit di ko maaming wala na ang dating damdamin
Di na ganun
At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin
Di na ganun

Monday, April 19, 2010

still


it still hurts...
i don't know until when

i like seeing you
even it makes me weep

everything that happened
means nothing you
how could you!

it's so sad that i'm just one of them
and im looking forward
one day, seeing you again
and saw you as one of them

the lesson i learned?
i took the chance
been true to you

one day when i look back
there will be no regrets
coz i loved with all my heart...

i don't know until when
but still, it hurts...



Tuesday, April 13, 2010

Zambales Trip

.
.

I am very very happy with this trip... My best friends are all with me! There's Joy and Charms, my ever dependable food buddy, travel buddy and coffee lover! And Ella's there too! My forever friends and cuz kahit di talaga kami mag pinsan! Im so thankful for this once in a blue moon trip. Thank you mga friends! Sana maulit... Sabi nga ni "boss", till next gig!
.
.


sunrise in Camara
.
.
The group met at Starbucks-Magallanes. By 12 midnight the travel begins...
.
.

First, mejo tahimik pa kami sa loob ng van. Since 3 groups kami dun. Ang connect? Unang grupo, sis-friend ko na si Joy and Charms na parehong nag work sa EK. At sa ngayon ako na lang ang nasa EK. Forever-friend ko na si Ella na asawa ni Obet. Si Obet friend ko din yan. Dati kaming mag officemates na tatlo. Si Obet friend naman si Aileen at Julius. Sila ang bumubuo ng second group. Ang third group, nandun si Doc Lester at Mads. Friend din sila ni Obet na nakaklase sa photography class. Common denominator namin? Travel, view, camera, pictures, food, sobrang lakas ng tawanan, walang kyeme!
.
.

joy, ella, charms, me & aileen

.
.
sabi ko nga... tara lets go na!
.
.

Sobrang bilis ng byahe. Alas - 3 pa lang ng madaling araw nasa San Marcelino na kami. Stop over muna sa isang gotohan. Kumain ng goto, pandesal at oatmeal cookie na may kasamang tender loving care ni Joy.
.
.

Tawanang walang humpay habang hinahanap namin ang San Antonio na malapit sa San Miguel. Buti na lang hindi nawala ang anim na poste na syang landmark sa lugar ni Mang Johnny, ang aming super bait at dependable na bangkero at tour guide.
.
.

xcited na ang lahat. Nag pe-prepare pa lang si Mang Johnny e gusto nang pumalaot ng grupo sa dagat para masilayan namin ang sunrise sa Camara Island, alas singko pa lang yun ha. At dito nag umpisa na ang mga kasama naming photographer sa pagkuha ng kani kanilang subject. At syempre lagi kaming predicate! :) Isang ordinaryong sunset lang ang inaabangan namin pero ang kaibahan kz sunrise by the beach to, at ang ganda talaga!
.
.


.
.





.
.


.
.

Next in line = Capones Island. Swerte kami kase maganda ang panahon at yun napuntahan namin ang lighthouse. Kailangan munang umakyat sa mejo matarik na bundok bago marating ang lighthouse. Mejo madali naman ang pag akyat kz may pathway na may hagdan pa although may part na mabato na kung saan e kung sakaling madulas ka e sa baba ka na pupulutin sa tabi ng mga malalaking bato!
.
.


.
.


.
.





.
.


.
.

Sobrang super ganda sa taas. Yung tipong masasabing mong "i'm on top of the world!" Sabi nga namin ang talino mo talaga Bro naisip mo to! Ang lighthouse? Mejo creepy ang dating. Yung tipong haunted house. Yung parang sa movie na napadpad ang group sa isang bahay na pagdating ng gabi e haunted house pala! Madaming istorya ang maiisip habang tinitingnan ang bawat sulok at haligi ng lighthouse na to. Umakyat nga pala kami sa mismong lighthouse. Pero syempre sila lang yung umakyat hanggang sa tuktok ng lighthouse! Katakot kaya!
.
.


Yami and Joy at spiral stairs
.
.


ruins
.
.

the lighthouse

.
.

Dito nga pala sa Capones nagsimulang matupad ang isa sa aking mga pangarap... ang pagiging isang modelo! Tingnan ang larawan ko... ganda di ba? Violent reactions are not allowed! Remember blog ko to!
.
.






.
.

Ayon kay Mang Johnny, sa Nagsasa na kami pupunta instead of Anawangin. More or less e 45 minutes na travel from Capones. Mejo malayo pero ika nga, worth the wait! Because of the location mas kokonti ang nandito. Mostly mga nag overnight kaya ng dumating kami e pauwi na yung iba. Hindi ako masyadong naligo, sobrang init kz na feeling ko malamang kulay uling na ko pagkatapos kong mag swimming! Dito nga pala kami kumain, nag swimming, kumain uli at nag kodakan ng walang humpay! Di ba boss?
.
.


jc, obet, ella, joy, me, lester, charms, aileen, mards
.
.


.
.



.
.

For our lunch, nag pa-prepare lang kami ng adobong pusit at pritong isda ke Mang Johnny. Ang sarap! Samahan mo pa ng itlog na pula at tuna from Ella, cornedbeef from Charms and alamang from Joy na dahil wala kaming nabiling mangga e pinang ulam na din! After lunch, di ko na napigilan ang humiga sa may buhanginan at matulog sandali...
.
.

.
.


.
.
Last island, Anawangin. Eto ang pinakasikat sa mga blog na nabasa ko at dahil jan super dami ang mga taong nandito! Kaya nga yung suggestion namin ke mang johnny na sa Nagsasa kami mag stay ng matagal ay super agree sya! As usual kodakan na naman ang aming mga friends... kami? nandun lang sa upuang kawayan habang nagbubuo ng kung anu anong kwento. Super enjoy kami sa bench, habang naghihintay ng order naming halo halo. Korek may tindahan po jan! Halos pareho lang ang view nito sa Nagsasa. Mas malamig ang hangin dito. Pero ang totoo mas gusto ko sa Nagsasa... :)
.
.


.
.


.
.

Matapos magsawa sa pag pipicture naisipan na rin naming bumalik sa bahay ni Mang Johnny. Haay nakakatakot ang alon! Feeling ko tatalsik ako! Pero infairness banayad pa daw ang mga alon.
.
.

meet Mang Johnny, ever dependable tour guide and bangkero
.
.

All in all sobrang saya ng trip na to. We started as strangers but ended up as friends! Till our next trip! :)







thanks to joy, obet and jc for the pix



Wala Lang



minsan kailangan mong sampalin para matauhan

kailangang mauntog para mauga ang ulo


baka sakaling mabago ang nilalaman nito





Friday, April 9, 2010

Cheers!

04.08.10
Ronnie's Place



Cheeeeers!
To the wound that never heals!



Girly, ton, avel, dave, che, rochelle, ronie
.
.

Babe i love you


When was the last time i heard someone said this to me? Yesterday! hehe! Feeling ko kz ako ang sinabihan e... I just watched this movie together with Yami ang Joy. We also set the night for our meeting for an upcoming trip with other friends and we're so excited about it... looking forward for the trip!

Anyways, the movie is cute. It isn't the one na paglabas mo ng movie house e yung tipong ang bigat sa dibdib! May mga cute at nakakatawang mga linya na mas lalong naging cute nang si Anne Curtis ang nagsabi! Eto sobrang light and with a happy feeling. ^_^ Well, lam mo naman 80% ng filipino movies have happy endings!

The story? Sasa (promo girl) meet Nico (university professor) when she tried helping him from an assailant wherein Sasa had a neck injury. It was more of an advantage to Sasa since Nico had no choice but to drive Sasa for her commitments as a promo girl. Spending more time together may lead to some kinda understanding! :) Despite differences they fall in love. Until they found out some secrets from their past... But still their love for each prevails...


Some quotes from the movie:

everything happened for a reason


i can never hate the woman who made me smile again (awwww...)


i won't let you go


everything has its time


don't focus on your differences



Wednesday, April 7, 2010

Tuesday, April 6, 2010

b1 at b2

nice day today! full of laughters! ang saya... mula opisina hanggang sa kapehan iisa lang ang topic! sya lang at wala ng iba! sorry naman kz wala ka dito e! don't worry di ka namin masyado inokray! hehehe!

salamat girly, che and ronnie... napatawa nyo ko ng sobra! sa uulitin ha!

Saturday, April 3, 2010

Sa Bulacan...


We're here in Bulacan. My mom's place. The same place where we spend our summer vacation. The place where we learn how to ride bancas, feed milk fish, saw how shrimps grow, mature and be ready for export. I miss Amang (+) and his comic side. I miss him every time I saw "melong tagalog", sya kase lagi ang nagpe prepare nun para sa min. Too bad wala kaming nabili sa palengke. Di bale nanjan naman mga favorite ko...






hindi ko to fave nilagay ko lang :)


I still remember how we spend Holy week in Bulacan. We're busy with the traditional "pabasa" every Holy Wednesday. Until now Inang, our family, sponsor the pabasa every holy wednesday.


When Good Friday comes, lagi kaming kasama sa prusisyon. Hay ka-miss talaga yung mga dati nang ginagawa.

tumitigil, dumadapa at hinahataw talaga sila sa tapat ng may "pabasa"


Kahapon tuwang tuwa ang mga kids, first time nilang makakita ng nag papasang krus samahan mo pa ng nagtatatak o yung mas kilala sa tinatawag na hampas dugo.



Good thing taga Bulacan ang nanay ko kz kung hindi di ko mararanasan ang mga bagay na ito. Buti na lang mabait si Inang, lagi nya kami noong kasakasama sa mga misa mula lunes santo hanggang pasko ng pagkabuhay.









Friday, April 2, 2010

And I Love You So...

Ngayon ko lang napanood to, buti na lang pinahiram ako ng cd ng pinsan ko. Nakakatouch pala talaga tong movie na to. Its all about finding love and losing love and falling in love again... Bat sa movie ang bilis lang ng ikot ng mundo no. Sa totoong buhay na haaayyy....


Xempre, eto na naman ang romantic side ko. Ang mga binitawang salita na tumatak sa puso't damdamin ko, actually naka save pa sa fone ko. ^_^ Share ko sa inyo...



I know I have to stop but it hurt so much.

Sometimes we lie because the truth hurt so much.

I hope I won't wake up to tomorrow...

Happiness is a choice.

Life is unfair.
I can't take this anymore.

Let it out. Scream it out. Putanginang buhay to!

You can't have him back.

No one has hurt me that badly.

He's dead, you are not, live with it.

How can I stop being a pathetic victim?

Gawin mong mag isa ang lahat ng ginagawa nyo noo.

One step at a time.

Why are you rushing me? Because you are delaying everything.

Mas importante yung naiwan kesa nang iwan.

I trusted you but you fooled me at ang masakit hinayaan kita.

Pagod na kong maging malungkot pero mahirap namang maging masaya.

Gusto ko nang magmahal ng iba.

I don't want to be the second place in your heart becuase your first in mine.

I'm afraid to let you go dahil baka hindi na dumating yung oras para sa tin.

Thank you for loving me. Thank you for coming into my life.

I know you always love me but you have to let me go...


Thursday, April 1, 2010

Huling Araw ng Marso


Huling araw ng Marso. Huling araw din ng pasok ngayung linggo. Huwebes Santo na bukas kaya halos lahat nasa bakasyon na ang isip. Mejo tinatamad na ko sa duty. Hindi pa maganda ang bungad ko sa trabaho.

Buti na lang may mga taong nagtyaga sa pakikipag usap sa kin... Salamat sa yo...