Thursday, May 6, 2010

Wanted!




Hindi sya deserving sa love mo.... Ilang beses ko nang narinig yan na sinabi sa kin. Nakakalungkot lang isipin na ito ang masasabi ng iba tungkol sa yo pagkatapos ng mga nangyari sa tin...


Matagal tagal din akong naghintay sa sinasabi nating "right man at the right time". Pero sa totoo lang hindi ako napapagod dahil alam ko merong darating...


Hanggang sa dumating ka...


Ang akala ko ikaw na talaga. Ikaw na bigay Nya sa kin. Ikaw na bubuo sa lahat ng sa pakiramdam kong kulang sa kin. Ikaw na magdaragdag ng kulay sa aking mundo. Ikaw na palaging nanjan sa tabi ko. Ikaw na makakasama ko hanggang sa pagputi ng buhok natin. Ikaw na magiging karamay sa bawat tawa at iyak ko. Ikaw na magmamahal sa kin ng tapat...


Paano nga ba maging tapat?

No comments: