Monday, March 1, 2010

marunong ka bang magbilang?



Ewan ko ba naman... grade school na estudyante marunong ng magbilang samantalang ikaw hindi! Siguro makakalimutin ka, pero ang magbilang... ewan ko ba talaga!

After so many months, umamin din sya sa iba... Dahil ba sa tama ng alak kaya ka nakapag salita? Sabi ng iba pag nakainom daw ng sobra hindi mo na alam kung ano ang ginagawa mo... Sabi naman ng iba, lumalakas lang talaga ang loob na magsalita pero alam mo kung ano ang ginagawa mo!

Minsan na akong uminom ng sobra. Alam ko yun kz sinadya naming uminom talaga ng sobra sa kakayahan namin... Wala lang, gusto talaga lang naming ma-feel... Yung maramdamang umiikot ang mundo, akala ko end of the world na... Yun nga, alam ko mga pinag gagawa ko, di ko lang talaga mapigilan... ang bibig ko walang tigil... long playing kung baga...

Balik tayo sa kanya...

Oo, naging kami. Nakakatawa parang against all odds... Napakaraming dahilan na hindi kami pedeng maging kami, pero sige go pa rin, sayang ang pagkakataon kung basta na lang lilipas! Ayun pagkalipas ng ilang panahon... namatay bigla ang relasyon, sa marami ding kadahilanan...

Nung maghiwalay kami, pareho naming pinili na manahimik... Walang nakakaalam na naging kami at lalong walang nakaalam na wala na...

Bumalik sya sa mundo nya at ganun din ako...

Nasaktan ako, umiyak, nanahimik... pinili kong mapag isa... Wala ng pakialaman, walang pansinan... Nagkikita, oo, pero lampasan ang tingin.. nasasaktan ako tuwing makikita ko sya... Pag nakikita ko kasi sya bumabalik ang alaala...

Hanggang dumating ang isang araw na parang ok na uli kami, pede na uli kaming maging magkaibigan... Bumalik yung dati. Yung tawanan, yung usapang buhay buhay. Yung tiwala. Bumalik ang dati kong kaibigan. Aaminin ko nung panahong yon na may nararamdaman pa din ako... at meron pa ding konting hope na sana... sana... Pero tapos na yun e. Masaya sya sa buhay nya at nauunawaan ko yun... Sa mga pinagdaanan nya, higit akong nagiging masaya sa tuwing nakikita ko sya na may ngiti ang kanyang mga labi...

Isang araw, bigla na lang may nagsabi sa kin yung parang nanunukso, "uy naging kayo pala", "anung nangyari?". Nabigla ako...

Hindi ko alam kung bakit biglang bigla e nasabi nya yun sa iba... Napagkwentuhan ako? Nabanggit? Napadaang kwnetuhan? Hindi ko alam... Hindi sa ikinahihiya namin ang isa't isa, pero kasi parang nag kasundo kami na kami na lang ang makakaalam since wala namang nakaalam na nag simula at nagtapos. Nagtataka lang ako...






P.S.

Marunong ka bang magbilang? Mali kz ang sinabi mong data sa kanila e!




1 comment:

ellehciren said...

kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan...

takot na kong magmahal...

kung alam mo lang kung paano ko pinaglabanan ang takot ko na tanggapin ka...