Ang akala ko matatapos ang araw na to na nakasimangot ako. Pero infairness, sa magandang umaga naman ito nagsimula...
Siguro between 4-4:30pm ng tumawag si Joy. Tinanong nya ko if free daw ba ako ngayong gabi. Since mejo lungkot lungkutan nga ang drama princess xempre oo agad ang sagot ko. Tinawagan ko agad si Yami para sabihin ang invitation ni Joy. Ngayun na lang uli nangyari to dahil sa sobrang ka-busy-han naming tatlo.
Hindi naman ako umalis hanggang hindi ka tumatawag. Nung sinabi ko sa yo na aalis ako at mag iinom tinawanan mo lang ako. Akala mo nagbibiro ako. Totoo yun. Oo tampo na naman ako. Iisipin mo na naman na hindi kita naiintindihan... May mga bagay kasi na kahit alam ko e nasasaktan pa rin ako. Alam ko din naman na kung pede lang, na kung may iba pang paraan gagawin mo yon para sa kin... kaso nga wala...
Kaya eto kasama nila ako...
Anyways, sabi ko nga ke Joy at Yami, you both came "just in time". Nag meet kami sa Paseo bago pumunta sa Tagaytay. Nung una sa Mahogany sana kami kakain para kasing gusto ko ng bulalo. Kaya lang biglang na mention ni Joy na gusto nya ng sisig, e gusto din namin ni Yami yun kaya ayun sa Bali Seafood Paluto Restaurant kami kumain.
Maaga pa nung dumating kami kaya kami pa lang ang tao. Sobrang gutom na kaya nag order muna kami ng fries. Mabilis ding dumating ang order namin na sisig, yang chow rice at sinugba platter (kasi nga kami pa lang customer e). Sakto lang sa min ang sinugba platter, o malakas lang talaga kaming kumain! medium size na tilapia, 2 bbq, 2 sugpo, pusit na super lambot, tahong, talong at manggat bagoong. Inabot lang ang bill namin ng P1,300+. Oops i forgot, yung sisig kapartner yun ng malamig na malamig na san mig lights. Kung ilan kami na lang ang nakaka alam! :)
Bakit nga ba may san mig? Ang alam ko drama princess ako. Hindi lang pala ako magkakaibigan nga kami! sila ding dalawa may baong kwento. Actually, madaming kwento na di kayang isulat ng mga kamay ko... mga kwentong puso na kailangang ibahagi sa mga tunay na kaibigan dahil kung hindi e baka biglang sumabog! Tama na nga!
Lipat na tayo. Punta naman sa Starbucks. Xempre parang sinehan lang, mahaba ang pila, puno na ang lugar. Start na rin ang pag iipon ng stickers. Sa 2nd floor kami unang pumunta pero di kinaya ang super lamig na weather, mejo umuulan din kasi o gusto ko lang talaga ng human jacket? kaya ayun balik sa baba. Hindi matapos tapos ang kwento naming tatlo.
Late na kami naka uwi, eksaktong 1am kumakatok na ko ng pinto. Thanks Joy for bringing us home.
Real friends are angels indisguise.
Bali Seafood Paluto Restaurant
Aguinaldo Highway,
Maharlika East, Tagaytay City
Chellee