Thursday, January 28, 2010

Walang Pamagat

kagabi habang nakaharap ako sa computer
may binabasang travel magazine
at nakikinig sa tv
bigla kong narinig:


"mahal ko ba talaga sya o
mahalaga lang sya sa akin?"


mejo napatunganga ako sandali...
humarap muli sa computer,
patuloy na binasa ang magazine
at nakinig sa tv.


ngayung tanghali,
nakasubsob ang mukha
sa mesa
habang nakapikit
ang aking dalawang mata
at inuubos ang natitirang
minuto sa aking break time
bigla ko na namang naisip...


"mahal ko ba talaga sya o
mahalaga lang sya sa akin?"


Bakit ba kase
may mga tanong
na mahirap sagutin?



No comments: