Monday, January 11, 2010

wala lang

maganda ang araw na to... una, naunahan ko ang aking alarm clock... kung dati paos na sya bago ako magising aba kanina hindi pa sya tumutunog nagising na ako. ewan ko lang kung bakit...

okey naman ako sa jeep o tricycle, walang di magandang encounter sa kapwa ko mga pasahero. walang siga na basta na lang i-i-stretch ang kamay yun pala nagbabayad ng pamasahe! pipi ka pare? walang bingi, lahat kami naririnig yung nakikisuyo sa pag abot ng bayad at sukli. pati si kuya driver ayos din.

sa opisina... ang saya, tahimik ang paligid, konti lang kase may pasok pag lunes. eto kase ang pinaka linggo namin pahinga sa karamihan. walang masyadong istorbo. madaming magagawa, madaming matatapos. walang boss. :) (bakit may smiley?) :) (smiley ulit!)

ewan ko ba... basta magaan ang araw na to... madaming dapat gawin at tapusin pero ewan ko ba di masyadong mabigat...

haaay... sana bukas ulit... wish ko lang!


No comments: