Monday, May 9, 2011

I was so touched!


Ang dami kong plano para sa birthday ko.  Every year kasama to sa planned vacation for the year na naka file sa office every january.  San nga ba ko pupunta?  Sasamahan mo  kaya ako?  Hays sa dami kong gusto ganito ang nangyari...


Nagkaroon ng konting twist sa office.  Kung baga bagong presidente bagong pamahalaan.  Ayun may na transfer sa aking isang section na kung saan e konti lang ang kaalaman ko... in short im on training until now!  Lahat ng plano para sa birthday ko wapak!  Kailangan kong pumasok sa espesyal kong araw kung hindi mahigit kumulang 500 tao at isama mo pa ang pamilya nila ang malamang e hindi kumain ng isang araw!  Hmmm... joke lang naman po...


Ok, ok na ko, so naka conditioned na ang isip ko na wala as in wala lang...


Isang araw bago ko mag birthday...


pagkatapos mag lunch derecho na ko sa working table ko, pinipilit bilisan ang trabaho para maagang matapos.  Tapos biglang pumasok ang mga officemates ko habang kumakanta ng happy birthday at may dala pang cake!  Nun ko lang na realize bat ako lang ang tao sa room! Wala daw kasi sila bukas kaya they decided na i-advance na lang!


I was so touched...  Di ko na imagine na they will give that surprise to me.  Mga bago pa ang mga staff na yun pero sabi nga effort kung effort, gumastos na kaunti at pinasaya ako...


Bigla kong naalala ang sabi ng dati kong boss... "Sa pagtaas ng position mo sa isang organization dito magsisimula ang triangle..."  Imagine a tringle... Nung nag start daw kz madami ka pang kasama sa baba pero habang tumataas ka kumokonti ang taong nakakasama mo.  Pero kung maayos kang makisama instead na triangle, square ang pupuntahan mo... Hindi ko sinasabi na mataas ang position ko, hindi ko din sinasabi na nasa triangle ako, basta ang alam ko at pakiramdam ko madaming nagmamahal sa akin dito sa mundong ginagalawan ko...


Thank you thank you so so much...


I was so touched...


sabi ko: kainis kayo, bat di nyo sinabi di pa ko naka make up!



blow the candle



thank you so much...









* updated 05.22.11



Chellee

No comments: