Friday, October 17, 2008

hoy!

..


habang pinapatulog ko si yoel kanina, bukas ang tv, balita pa nga lang. alam mo na ba? may isa na namang pinoy na binitay! di ko masyadong naintindihan kung saan eksaktong lugar si yoel kasi ang likot e pero un nga nabitay na.




sabi ng pamilya ni jennifer (lalaki sya), pinabayaan sila ng gobyerno. mula sa embahada ng pilipinas hanggang sa abogado… at eto pa pinapirma ang isa sa kapamilya nya sa isang kasulatan na wag mag ingay lalo na sa media. san ka pa? ang totoo, tahimik nga kasi ngayun ko lang din nalaman/ narinig to.



sabi naman ng gobyerno hindi sila pinabayaan (asus! syempre) at ginawa ang lahat. pero hindi daw talaga pumayag ung nagdemanda e.



hay naku… sa sobrang kahirapan sa pilipinas lahat umaalis na, nakikipagsapalaran sa ibang bansa… merong bang dapat sisihin?



si jennifer, sya ang bumubuhay sa pamilya nya sa basilan (ata). kahit nakakulong sya nakapag padala pa daw ng pera! pano? naglabada sa loob ng kulungan! pano na ngayun? a oo nga pala, may ibibigay daw ang gobyerno at pag aaralin naman ang kanyang mga kapatid… un nga lang wala na si jennifer!



haay ang bigat sa dib dib…



wala na bang ibang balita? …nga pala si alcaraz, sa taiwan naman ata un nakakulong din!



wala na bang iba?



buti na lang nanjan si dyosa at my kasama pang betty la fea!



ooopss tulog na yoel…



=)



 
 
 
 
 
 
.

No comments: