Monday, August 6, 2012

Ulan at ako



Masarap matulog pag umuulan tapos nakabalot ka ng kumot.  Enjoy ding kumain habang malamig ang panahon.  Tapos iinom ng maiinit na kape.  Sisilip sa bintana habang pinapanood ang buhos ng ulan.  Papakinggan ang mga patak...


Pero pag umulan malungkot din.  Para bang mga luha.  Mga luha na bilis bilis ang pag agos, nag uunahan mula sa iyong mata.  Bigla bigla.  Minsan pa nga walang pasabi.  Katulad ng emosyon na kahit gaanong katagal mong itago, bigla na lang kakawala...


Parang ngayun, bigla na lang kumawala.  Biglang lumabas.  Nag uunahan.  Di mapigil kahit na anong gawin...  Pakinggan mo ang mga patak.  Nalulungkot din kaya sya...


...katulad ko?








Chellee





2 comments:

YAMIE said...

masarap din uminom ng mainit na tsaa ;)... smile sis. there's always a rainbow after the rain ♥

ellehciren said...

coffee na lang sis! :)