Monday, April 11, 2011

Sleepless nights mode



Hinahanap kita.  Yung dating ikaw.

Nami miss ko na ang dati at ang lahat ng mga ginagawa mo.

Wag ka sanang mainis sa kin pag nagtatanong ako.

Sinabi ko naman sa yo noon.  Magsabi ka lang.

Nakailang tanong na din nga ba ako sa yo?

At malamang naiinis ka na rin.

Dahil sa tuwing tatanungin kita di mo ako kinikibo.

Sa bawat pagtahimik mo, lamig ang nararamdaman ko.

Para akong binubuhusan ng malamig na tubig.

Minsan naisip ko,

ginagawa mo ba yan para ako na ang kusang lumayo?

para ako na ang kusang makaramdam?

pede naman tayong mag usap di ba.





Pero ang totoo, takot akong marinig ang isasagot mo...







Chellee

No comments: