Wednesday, February 9, 2011

Happiness



Nag subscribe ako ke Bo Sanchez' "Whisper from God" nung minsang ma encounter ko to sa net.  Sadya man o di sinasadya pero iba ang naramdaman ko nung una kong nabasa ang bulong Nya sa akin.  Di sya every day pero  parang pag nareceive ko ang bulong Nya laging sakto, sapol!  Katulad na lang nung picture sa taas, pang 3rd na yan pero pang 3rd na rin na parang binubuhusan ako ng malamig na tubig!


Eto ang kwento...


Mejo malungkot ako kagabi.  Dinaan sa chocolate at coke baka sakaling maiba ang emosyon ko.  Nakatulog ako na basa ang unan...


Kaninang umaga, check ng email, isa itong whisper sa nakita ko sa inbox.  Sakto sa malungkot kong mga mata.  Hinga ng malalim, isip na mabuti, isa pang hingang malalim... Tinawagan ko sya, ang taong nagpalungkot sa akin kagabi.  Clueless.  Hindi ko alam kung di nya alam o ayaw lang nyang patulan ang toyo ko.  Sad ako kasi parang wala lang sa kanya.  Sinabi ko pa rin ang nararamdaman ko, pinaliwanag nya ang side nya.  Nag doubt ako.  Pero ano bang mapapala ko sa paghihinala?  Pinili ko ang tumawa nung tinry nya na patawanin ako... Nagbago ang mood naming pareho.


Mas pinili ko ang maging maligaya...






Chellee







2 comments:

Diamond R said...

Wow sarap naman ng message na ito.

ellehciren said...

yeah right. tipong mapapaisip ka... parang slight na batok from Him. ;)

ingats!