Maagang nagsimula ang araw ko. 9am ang funeral mass para sa Inay ni Ella. Sakto lang ng dumating ako sa simbahan matapos ang mahabang dalawang oras ng malamig kong byahe. Nakakalungkot lang na wala na si Inay. Di ko makakalimutan ang mga kwentuhan namin pag doon ako nag i-sleep over. At pagkagising namin naipagluto na kami ni Inay ng almusal. Kung mamimiss ko si Inay pano pa si Ella? Ramdam ko yun nung niyakap ko sya, pangalan ko lang ang sinabi nya pero alam ko marami syang ibig sabihin sa kin. Natameme kaya ako, parang may bara ang lalamunan ko kaya isang mahigpit na yakap lang ang naiganti ko ke Ella.
Pumasok ako ng half day sa office. As usual daming work. Walang masyadong encounter sa ibang tao kasi akala nila e maghapon akong wala.
Nakareceive ako ng call mula sa yo, hays ang babaw ko talaga, napasaya mo na naman ako. Narinig ko lang boses mo gumaan ang pakiramdam ko. Mejo me konting kwentuhan pa. *kilig*
May christmas party na dapat attendnan ngayung gabi. Naimbyerna lang ang beauty ko dahil isang oras at kalahati akong nag hintay sa driver ni Joy na susundo sa amin ni Charms. Buti na lang sa office ako susunduin at least di masyadong nakaka irita. Di na kami natuloy sa hotel.
Super traffic pa rin at di na advisable na tumuloy pa kami sa hotel. Diretso kami sa Tagaytay. Naghanap ng restaurant sobrang gutom na kaming tatlo. Dalawang restaurant ang napuntahan namin pero parehong about to close na sila. Oh di ba ang saya? Gutom na gutom ka na pero wala pa ring lugar na pedeng kainan! Sa Leslie's na lang kami nag dinner, walang masyadong tao.
Time check: ilang minuto bago mag 10 ng gabi... Sinugba platter, yang chow rice, pork sisig at manggang hilaw na may bagoong ang napili naming magpasaya sa aming malamig na gabi. Kabiguan ang inabot ko/namin... Di masarap ang food! Waaaah! Sige na, hayaan na nga, lamang tyan din naman! =)
Konting kwentuhan. Nagkayakagan na mag kape. Punta sa sbucks. Alis din agad. Ang daming tao grabe! Byahe na uli, sa Paseo na lang kami magkakape. Naidlip na ko sa byahe ang lamig kasi ang sarap sana ng may kayakap!
Hays salamat may available pa na couch, sarap sarap ng pwesto. Exchange gift na. Para di namin mahulaan kung sino ang bibigyan namin merong kaming code. Genius si google kasi scientific name ng puno ang napili naming code, o di ba sige nga kung mahulaan mo kung sino ang bibigyan mo ng gift. Di ko naman pinahirapan ang nakabunot sa kin... Pterocarpus Vidalianus Rolfe yan lang naman ang code ko! Hehehe!
Tatlo lang kami pero ang lakas ng tawanan at kwentuhan namin kung papano at bakit yun ang napili naming code name...
Time check: 2am, oh nasa pinto na ko ng bahay namin nyan, as usual hinatid uli ako ni Joy. Di pa nagtatapos ang araw ko umaga na nga uli eh may text kasi ang kapatid ko at nakikipag chat pa sa kin, important naman kasi ang pag uusapan...
Time check: 5:30am, pano? sleep muna ko ha, twenty fours na kasi akong gising...
Chellee
No comments:
Post a Comment