Apat na araw akong walang pasok. Wednesday at thursday vacation leave nag uubos ng natira ko pang leave ng 2010 sipag ko no, di ako nakapag leave last year! Sayang kz if di ko magamit di naman babayaran. Friday at saturday naman ang scheduled day off ko. Yap, may pasok ako pag sunday, dati mahirap pero sanayan lang talaga.
Bago dumating ang apat na araw kong walang pasok, iniisip ko na kung anu ano ang activities na gagawin ko. Aalis ba ako gastos nga lang? Anu namang gagawin ko kung sa bahay lang ako?
Nagkasakit ang dalawa kong pamangkin.
Ang hirap pa lang maging isang ina. Nakakapagod... pero ang pagod ay nawawala pag nakita mo na silang ngumiti.
Mataas ang lagnat ni JYu, alas 2 na ng madaling araw gising pa rin ako. Check ang temperature. Pahid ng basang tuwalya sa kanyang munting katawan. Inaantay ang ika apat na oras para painumin sya ng gamot. Sa bawat munting kilos na gagawin nya nakatitig ako. Baka meron syang gawin na di ko makita. Mag aalas kwatro na ng natulog ako. Bumaba na ang lagnat nya. Napainom ko na ng gamot. Mahimbing na ang tulog ni Yu.
Ilang araw ng malambot ang pupu ni JYo. Sa lakas nyang kumain na kita naman sa kanyang katawan di ko alam kung ano ang pedeng ipakain sa kanya. Gustong gustong kumain ng kahit ano pero di naman pede. Umayaw na sya sa saging at gatorade. Umiiyak kasi gusto ng dumede ng gatas. Nakakaawa pag nagsasabi ng "please, ate mommy gusto ko ng milk...". Pinainom ko ng coke. Pinilit kumain ng saging. Awa ng Diyos makalipas ang dalawang araw mejo ok na ang pupu nya.
Sa apat na araw na bakasyon di ako nakagala. Naging isa akong ina. Di man sila nang galing sa akin, anak ko pa rin sila. Di pala biro ang propesyon na pinili ng iba. Masarap na mahirap.
Chellee